Nawawala: Isang Panawagan

Posted by

(Ang sumusunod ay panawagan sa nawawala kong kaibigan.)

Kaibigan, kung saan ka man naroroon ay sana umabot sa iyo ang panawagang ito. Hanap-hanap na kita. Hindi ko alam kung bakit mo ako linayasan. Nangungulila ako ngayong wala ka.

Meron ba akong pagkukulang sa iyo? Kung ano man iyon, sana pagpasensiyahan mo na. Huwag ka nang magtampo.

Kung hindi ko man nasabi sa iyo noon, ay sasabihin ko sa iyo ngayon – kailangan kita. Pinahahalagahan ko ang iyong nagagawa sa akin. Inspirasyon kita. Sana naman muli kang magbalik. Nami-miss na kita.

At sa publiko na nakakarinig (at nakakabasa) ng panawagang ito, nakikiusap po ako na sana naman ay ipaalam at ipaabot ninyo ang mensaheng ito sa kinauukulan.

Uulitin ko lang pong muli ang aking panawagan……

Sa aking Muse*, parang awa mo na, umuwi ka na. Para makapagsulat na uli ako. Napapanis na kasi itong aking blog. Matagal-tagal nang walang bagong post. Ihaon mo na ako sa aking writer’s block.

writers-block

(*Muse of writing)

(photo from the here)

2 comments

  1. magandang araw po … hanggang maabot ko yung puwang kung ano o kaya sino ang nawawala, “my heart was in my throat”, hindi ko maisip kung bakit at ano ang inyong panawagan. this truly happens, you just have to act on it — you and Island Traveler have been MIA, and you are both my favorite doctor/writers in the blogsphere 🙂 pero sana po mahanap nyo po ang inyong nawawalang kaibigan …

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s