Panaghoy ng Sikada

Posted by

Ako’y isang pobreng alindahaw sikada,

Labing pitong taon, sa dilim ako’y nangapa,

Nakapiit, at parang nakalibing sa lupa,

Sa wakas, sa liwanag ako ngayo’y lumaya.

 

Matapos umalpas sa mundong ibabaw,

Iisa ang hangarin, pakay ng aking buhay,

Ang makita at makaulayaw ka, o aking mahal,

Hanap-hanap kita sa madlang karamihan.

mga sikadang nagliligawan
mga sikadang nagliligawan

Alam kong maraming karibal na manunuyo,

Boses ko’y nasasapawan ng maingay na koro,

Alam ko rin namang maraming pwedeng pagpilian,

Ngunit tanging ikaw lang ang sa aki’y hinirang.

 

Iilang araw lamang ang sa akin ay linaan,

Konting sandali lang ang sa aki’y pinahiram,

Kaya sinta ko, dinggin ang aking awit,

Bago ako pumikit sa gabing pusikit.

 

Bakit hindi tayo pinagtagpo ng tadhana,

Yaring buhay ba’y mauuwi sa wala?

Tinig at lakas ko’y unti-unti nang nanghihina,

Awit ko’y handog na lang sa mundong mapayapa.

IMG_3644
bukang liwayway at mga sikadang namatay

(photo taken with iPhone)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s