Nasaan ka na aking mahal,
Ako ba’y iyo nang nalimutan?
Ako sa iyo’y naghihintay,
Dito sa dati nating tagpuan.
Kamusta ka na aking sinta,
Ikaw ba ay mayroon nang iba?
Hindi sa ako ay nagdadamot,
Ayaw kitang maging malungkot.
Sumasagi pa ba sa ‘yong isipan,
Ating makukulay na nakaraan?
Hanap-hanap tunog ng ‘yong mga yapak,
Matamis mong tinig, pati na halakhak.
Nasasabik sa iyong halimuyak,
At sa dala-dala mong bulaklak,
Matagal-tagal na silang nalanta,
Ang samyo nila ay nawala na.
Dito sa taas ng tahimik na burol,
Sa lilim ng malalaking punong kahoy,
Dito sana’y muli mo akong dalawin,
Huling hantungan ko’y muling dungawin.
galing. ganda, kakabilib po.
Salamat kabayan, at iyong naibigan.
Awwwww … kurot sa puso … salamat sa paalala. (At mukhang mapapadalas ako sa inyong mga pahina :D)
Malugod kong tinatanggap ang iyong pag-bagtas, at pag-iiwan ng bakas. 🙂