Ako’y isang magarang gintong singsing,
Mula sa Escoltang mamahalin,
At isang araw ako’y pinili,
Ng isang binatang masalapi.
Sa simbahan ako’y iminarcha,
Bitbit ng batang naka-Amerikana,
Inihatid sa harap ng dambana,
Isinuot kasabay ng pagsumpa.
Lumipas ang maraming mga araw,
Yaring pag-ibig hindi pala tunay,
Ako’y hinubad at kinalimutan,
Tambunting naging aking hantungan.
tambunting talaga po 😛
Ha ha ha kaya pala wala akong sing sing, baka mapunta lang sa tambunting.