Gintong Singsing

Ako’y isang magarang gintong singsing,

Mula sa Escoltang mamahalin,

At isang araw ako’y pinili,

Ng isang binatang masalapi.

 

Sa simbahan ako’y iminarcha,

Bitbit ng batang naka-Amerikana,

Inihatid sa harap ng dambana,

Isinuot kasabay ng pagsumpa.

 

Lumipas ang maraming mga araw,

Yaring pag-ibig hindi pala tunay,

Ako’y hinubad at kinalimutan,

Tambunting naging aking hantungan.