Doctor, Doctor, I am Sick

Posted by

Sa isang Health Center sa maliit na barrio sa Pilipinas……

Pasyente: Doc, sumasakit po ang mata ko.

Duktor: Paanong sakit?

Pasyente: Para po siyang tinusok.

Duktor: Ah ganoon ba? Kailan pa iyan?

Pasyente: Doc, tuwing umiinom po ako ng maiinit na kape.

Duktor: Eh kapag umiinom ka ng malamig na tubig? Sumasakit din ba ang mata mo?

Pasyente: Hindi naman po.

Duktor: Kapag umiinom ka ng soft drink? O kaya ng beer?

Pasyente: Hindi rin po.

Pinagmasdan ng duktor ang pasyente, at nakitang may parang bugbog sa talukap ng mata ang pasyente.

Duktor: Alam ko na ang sanhi ng pananakit ng mata mo. Madali lang din ang solusyon sa problema mo.

Pasyente: Talaga po? Ano po iyon?

Duktor: Bago mo higupin ang kape mo, ay tanggalin mo muna ang kutsara sa tasa, para hindi matusok ang iyong mata.

********

Susunod na pasyente……

Duktor: Napabalik ka? Mabisa ba yung nireseta kong gamot sa iyo?

Pasyente: Kaya nga po ako bumalik Doc, kasi hindi po magaling iyong gamot na ibinigay ninyo. Para pa ring sinisilaban ang aking tumbong. Masasakit at gabulaklak pa rin po iyong mga almuranas ko.

Duktor: Ginamit mo ba iyong nireseta kong gamot?

Pasyente: Opo. Araw-araw pa nga po, hanggang maubos iyong nireseta ninyo.

Tinignan ng duktor ang kanyang medical chart at sinigurado kung tama ba ang binigay niyang gamot.

Duktor: Sang-ayon sa record ko, niresetahan kita ng Kontra-almuranas na suppository para sa isang lingo.

Pasyente: Oo nga po. Hirap na hirap nga po akong lunukin iyon, at ang sama-sama pa po ng lasa!

*********

Pangatlong pasyente………

Pasyente: Doc, sana po matulungan ninyo ako. Feeling ko po invisible man ako. Kasi wala po sa aking pumapansin, eh.

Duktor: Next patient please!

*********

Sumunod na pasyente………

Tatay: Doc, pakitignan naman po ninyo itong aking anak.

Duktor: Ano bang nangyari sa anak mo?

Tatay: Nalulon po niya yung pang-ahit kong blade.

Duktor: Ha?! Kailan pa?

Tatay: Noon isang linggo po.

Duktor: Bakit ngayon mo lang dinala at ano ang ginawa mo?

Tatay: Eh di ginagamit ko na lang muna na pang-ahit  ‘yung labaha po.

********

Huling pasyente………

Pasyente: Duktor, hindi po ako nireregla.

Duktor: Baka naman buntis ka?

Pasyente: Naku, sana nga magdilang anghel kayo! Pero wala naman pong lalaking pumapatol sa akin kahit anong gawin ko. Kaya sigurado po akong hindi ako buntis.

Duktor: Teka, kailan ka pa ba hindi nireregla?

Pasyente: Mula’t sapul po hindi ako dinadatnan ng pagreregla.

Mataimtim na kinilatis ng duktor ang pasyente.

Duktor: Hija, masakit ko mang sabihin sa iyo, pero hindi ka talaga magkakaregla.

Pasyente: Bakit po?

Duktor: Eh kasi lalaki ka.

********

(Ang mga kuwentong ito ay hatid sa inyo ng kabag…… sa utak. Pasensiya na po’t kailangang kong ilabas.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s