Buwaya sa Putikan

pinoytransplant's avatarPosted by

Habang mamayan ay nagdurusa,

Sa rumaragasang baha ay napipinsala,

Ngunit meron namang mga buwaya,

Sa putik ay nagpapakasasa.

***

Mga proyekto ng pamahalaan,

Upang problema sa baha ay malunasan,

Ipinundar sa koleksiyon ng mga sasakyan,

Humahabol sa mga Sy at Ayala sa yaman.

***

Hindi naman masamang yumaman,

Kung tapat at patas ang laban,

Huwag naman sanang sobrang gahaman,

Upang lamunin kaban ng bayan.

Photo by Pixabay on Pexels.com

One comment

Leave a Reply