Rico J, Isang Pagpupugay

Nitong mga nakaraang araw, ay namamayagpag sa aking pandinig ang mga OPM (Original Pilipino Music). Nalungkot ako sa balita noong isang linggo na pumanaw na pala si Rico J. Puno. Kaya para mabawasan ang aking pagkalumbay ay nagpipiyesta na lang ako sa pakikinig ng mga OPMs, lalo na sa mga kanta ni Rico J.

Isa si Rico J sa mga nagpasikat ng mga OPM. Siguro naman lahat tayong mga Pinoy ay alam ang kanyang mga kanta. Tulad nito:

“Kapalaran kung hanapin, di matagpuan, at kung minsan lumalapit nang ‘di mo alam.” (Kapalaran)

Sa totoo lang naisama ko na ang linya ng kantang ito sa isa sa aking blog, Bahala na si Batman.

Mayroon din siyang kanta na nakakapukaw ng damdamin. Tulad nito:

“Huwag damdamin ang kasawian, may bukas pa sa iyong buhay, sisikat din ang iyong araw, ang landas mo ay mag-iilaw.” (May Bukas Pa)

Nagkaroon din ako ng blog na ang pamagat ay mula sa kantang ito, May Bukas Pa.

At mayroon din mga kanta si Rico Puno na pinangarap mong sana ikaw rin ay kagaya niya. Tulad ng:

“Macho gwapito raw ako!” (Macho Gwapito)

Pero hindi naman ako naging macho dahil patpatin nga ako noong araw.

Nakakalungkot lang isipin na wala na si Rico Puno. Para sa akin na lumisan ng ating bayan at matagal nang wala sa bansa, parang bang ako’y nanghihinayang na hindi ko na mababalikan ang aking naiwan. Para bagang may kulang na sa Pilipinas na aking nakagisnan.

Pero sangayon din sa isang awit ni Rico J, eh talagang ganyan ang buhay:

“Sa mundo ang buhay ay mayroong hangganan, dahil ay lupa lamang.” (Lupa)

Hindi lang mga OPM ang namimiss ko kapag nabanggit si Rico Puno. Namimiss ko rin kung saan ako nanggaling at kung saan ako lumaki. Kung hindi ninyo po alam, si Rico J ay lumaki sa may Balik-Balik sa Sampaloc Manila. Iyong apartment kung saan sila nanirahan noon ay sa kabilang kalye lang mula kung saan ako nakatira doon sa Sampaloc. Siyempre naging proud ang mga naging kapitbahay niya nang siya ay naging sikat na.

Mabalik tayo sa mga OPM, lumaki akong nakikinig ng mga kantang Pilipino, hindi lang kanta ni Rico J. Nakakaaliw ngang isipin na iba’t iba ang mga OPM.

May mga awit na makatotoo:

“Isang kahig, isang tuka, ganyan kaming mga dukha.” (Dukha by Heber Bartolome)

May mga kantang matalinghaga:

“Patakan n’yo ng luha ang apoy sa kanyang puso.” (Balita by Asin)

At mayroon ding mahiwaga:

“Butse kik, ek ek ek.” (Butse Kik by Yoyoy Villame)

May kantang mapangutya:

“Beh, buti nga, beh, buti nga, bebebebeh, buti nga!” (Beh Buti Nga by Hotdog)

May mga kanta na garapal:

“Pahipo naman, pahawak naman, hindi na kita matsangsingan.” (No Touch by Mike Hanopol)

Kung sa panahong ito kapag kinanta mo ito ay pwede kang kasuhan ng sexual harassment.

Meron din namang mga awit na nakakatawa, pero may aral.

“Banal na aso, santong kabayo, natatawa ako.” (Banal na Aso Santong Kabayo by Yano)

Pero ang mga awit na tunay na napamahal sa atin ay iyong may kahulugan sa atin. Marahil may mga karanasan tayong hindi malilimutan na nakakawit sa kantang iyon. Para po sa akin, isa sa mga ito ay kanta ni Rico Puno:

“Alaala ng tayo’y magsweetheart pa, namamasyal pa sa Luneta nang walang pera.” (The Way We Were by Rico Puno)

Sa katunayan nai-blog ko na rin ang karanasan kong ito, Alaala ng Luneta.

Nakakamiss talaga. Kaya magsa-sound trip na lang uli ako at magpapakalunod sa mga OPM. Maraming salamat sa mga magagandang alaala, Rico J. Puno.

A-2166666-1404547268-1768.jpeg

(*photo from the web)

Ang Tandang at si Uncle Tom

Ako ay may tiyuhin na Amerikano. Siya si Uncle Tom.

Tatlong dekada na ang nakalipas nang isa sa aking mga tiyahin ay nagka-penpal ng isang Amerikano. Uso pa noon ang ballpen, magsulat sa papel, at maghulog ng sulat. Matagal-tagal din silang nagkasulatan, at dumating sa yugto na gusto nilang magkita. Wala pang Facebook at FaceTime noon, kaya’t nag-planong lumipad papuntang Pilipinas ang Amerikanong penpal ng aking tiyahin.

Dahil kami ay may bahay naman sa Maynila, at para na rin tuluyang makaliskisan, este makilatis pala ang ibig kong sabihin, ang kanyang penpal, kaya pinakiusap ng aking tita na sa bahay na namin tumuloy ang Amerikano.

Itanggi man natin o hindi, marami pa rin sa atin ang nagnanais na makakilala ng isang banyaga, at mapangasawa ito. Dahil sa isip natin ito ang ating magiging pasaporte para lumisan ng bansa. At kung tayo ay medyo tag-hirap, ito ang ating pagkakataong umunlad at makaahon sa buhay. Darating kaya ang panahon na ang mga Pilipino ay hindi na mangangarap na umalis ng bansa?

Kaya nang dadalaw na ang Amerikano, hindi kami magkandaugaga sa aming paghahanda sa kanyang pagdating. Para kaming naghanda sa isang official state visit, gaya nang dumalaw si President Trump sa Pilipinas. Kulang na lang ay umarkila kami ng banda ng mga musikero at magpa-piyesta sa aming kalye sa pagsalubong sa kanya.

Lumuwas pa ng Maynila ang aming lola mula sa probinsiya at nagdala ito ng mga buhay na manok, para raw ipanghanda sa Amerikano naming bisita. Siyempre, mas masarap pa rin daw ang lasa ng native at free-range na manok. Organic pa at siguradong hindi sinaksakan ng growth hormone at antibiotic.

Isa naman sa aking tiyuhin ang sumundo mula sa airport. Hindi na ako sumama dahil puno na ang sasakyan at baka wala pang maupuan ang aming bisita. Pagkasundo sa airport, ay sa bahay na namin sa Sampaloc Manila tumuloy ang Amerikano.

Sa aking silid pinatulog ang bisita. Malaking tao pala itong Amerikano. Hindi ko alam kung paano siya nagkasya o kung naging kumportable siya sa aking munting katre. Aaminin ko medyo masikip ang aking silid, pang-Petite (Palito?) size lang ito at hindi pang-Jumbo size. Hindi ko rin alam kung naglagkit sa init ang aming bisita, dahil wala naman kaming air conditioner. Pero may bintana naman at bentilador ang aking kuwarto.

Kahit payak ang aming bahay at masikip ang aking kuwarto, ay siguro naman ay lumutang pa rin ang aming pagiging hospitable sa aming panauhin. Kung tutuusin hindi lang ang Amerikanong penpal ng tiyahin ko ang banyagang natulog sa aking munting silid. Minsan ay nagkabisita kami ng galing Papua New Guinea na tumuloy din sa aking kuwarto. Marami ring kaming mga bisitang lokal ang nanuluyan dito. Kaya puti, itim, o kayumanggi – walang kinikilingan ang aking silid.

Balikan natin ang mga manok na dala ng aking lola. Isa dito ay puting tandang, pero hindi ito pang-sabong. Dahil hindi lahat ng manok ay ihahain kaagad, kaya’t ang iba ay hinayaan munang buhay. Kasama dito ang tandang na itinali sa veranda ng aming bahay.

Unang gabi ng aming bisita, maaring pagod na pagod sa biyahe ang Amerikano, at may jet-lag pa, kaya hahayaan lang sana namin siyang matulog kahit tanghaliin pa siya ng gising. Subalit may ibang balak ang puting tandang.

Bago pa magbukang liwayway o maaninag ang liwanag ng umaga, at bago pa magsipag-byahe ang mga traysikel ay simula nang tumilaok ang puting tandang. Walang patid at masigabo sa pagtilaok ang pesteng manok. Pumwesto pa ito malapit sa bintana ng aking kuwarto.

Hindi nagtagal ay nagising ang aming bisitang Amerikano. Galit at mainit ang ulo nito. Masama ang pagkakagising. Sino nga bang hindi mauunsiyame kung mabulabog ka sa iyong mahimbing na pagkakatulog.

Paglabas niya sa kuwarto, ay ako ang kanyang nasalubong. Sabi niya sa akin: “Where is that #&*@^! rooster, I’ll wring it’s neck!”

Sa halip na sa ilang araw pa sana kakatayin ang pobreng tandang, noong araw rin na iyon, naging tangahalian na namin ito. Nahimasmasan naman ang init ng ulo at natuwa pa ang aming panauhing pandangal, nang matikman niya ang masarap na luto na inihain namin sa kanya. Tinolang manok!

Nang malaon na ay nagkaigihan naman ang aking tita at ang kanyang penpal. Sila ay nagkataluyang magpakasal, at siya ay naging aking Uncle Tom. Hindi na nagtagal pa ay nakalipad na rin ang aking tita papuntang Amerika.

Maaring sabihin na dahil kay Uncle Tom, ay naging masuwerte ang aking tiyahin dahil siya’y nakarating ng Estados Unidos. Kahit man ako ay nabiyayaan din, dahil ang tiyahin kong ito ang isa sa tumulong sa akin sa pinansiyal nang ako’y nag-a-apply na papuntang Amerika para sa aking Medical Residency Training. Dahil sa ako’y natanggap sa isang academic hospital para mag-training, ito naman ang naging daan para ako’y makapangibang-bayan.

Noong nakaraang Pasko, maliban sa aking pagtawag sa mga kamag-anak sa Pilipinas, ay tinawagan ko rin ang aking tiyahing ito na naninirahan na sa California. Siya ang pinakamalapit kong kamag-anak dito sa Amerika. Ang California ay mahigit na tatlong oras na biyahe sa eroplano o dalawang araw na drive mula sa amin dito sa Iowa.

Sa pag-uusap namin ng aking tita ay nabanggit niya na medyo lumulubha na raw ang kalagayan ni Uncle Tom at nagiging makakalimutin na rin ito. Sa katunayan, may mga ilang taon nang may sakit si Uncle Tom. Salamat na lang kay tita na tunay na nagmamahal sa kanya, at hindi niya ito pinababayaan. Isa pa, dahil nurse ang aking tiyahin, naaalagaang lubos si Uncle Tom.

Sa aking tingin at palagay, kung naging masuwerte ang aking tiyahin, mas naging masuwerte si Uncle Tom dahil nakilala niya ang aking tita at ang aming pamilya. At hindi lang ito dahil sa nakakain siya ng tinolang manok.

DSC_0048

(*photo taken during our last visit to the Philippines)

Smells Like Philippines

“Dad, you smell like the Philippines.” That was what my son told me the other morning.

It was the weekend and I did not have to go to work, so I was preparing breakfast. But I was  cooking omelet and not a typical Filipino dish, like the tapsilog, so I know that’s not it.

What is the “smell of the Philippines” anyway?

Most of us would associate the smell of the Philippines with the typical Filipino dishes. Like the adobo, or the kare-kare, or the tinola, or the lechon. Not to forget the more “smelly” foods that we Pinoys are known for, like the tuyo, the danggit, the pusit, and the bagoong.

Some of us would definitely remember the Philippines with the sweet scent of sampaguita, or the ilang-ilang, or the calachuchi, or the dama de noche. Or some would like the more exotic fragrance of the durian. That is for certain a pungent scent for not the faint of heart, or more accurately, for not the faint of “sikmura.”

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Durian

For expats and oversea workers out there, maybe it is the distinctive smell of the palengke (wet market) of the Philippines that you miss. The mixture of odors of fish, fruits, stale water, pig’s blood, and mud. Or maybe it is the smell of Philippine traffic with the smog, the diesel fumes, cigarette smoke and body odor that you miss.

Since I now live in Iowa, a land lot in the midwest of America, where the nearest ocean is about a thousand miles away, I miss the smell of the ocean. Definitely I associate the salty air smell with somewhat fishy accent with my days in the Philippines and its gorgeous beaches.

By the way, do you ever wonder what gives the ocean its distinctive briny smell? Scientists said it is not mainly the salt nor the fish. It is mostly from the phytoplanktons. The what now? Phytoplanktons are marine microscopic organisms. When they die they release dimethyl sulfide or DMS, the chemical that is responsible for that specific ocean scent.

There’s also memories of certain scents that I associate particularly from the Philippines. Like the barber shops, with the whiff of rubbing alcohol, pomade, and Johnson baby powder. The hair salon that I go to here in the US, does not have that certain nostalgic smell that I used to know.

But there are also the smell of the Philippines, that maybe we are not proud of. Like the stench of the clogged canal and esteros, or the sad fate and smell of our slums and squatters, or the reeking pile of the uncollected garbage, and the stinky street corners and walls, even with “Bawal umihi dito!” written all over them.

Back to my son’s comment, I tried to figure out why he said I smell like the Philippines. Do I smell like tuyo? Or the wet market? Or the stinky walls of Manila? But I knew I just took a shower, and just put on clean clothes.

Then when I sniffed my shirt, it dawned on me that the shirt I was wearing was a shirt I have not worn since I came back from the Philippines a few months ago. So it was last washed in Manila, with the undeniable scent of hang-dried in the sun and Philippine laundry soap. It certainly smells like Philippines!

For expats like me, even the laundry, can remind us and make us long for home.

(*photo from the web)