Ang Tandang at si Uncle Tom

Ako ay may tiyuhin na Amerikano. Siya si Uncle Tom.

Tatlong dekada na ang nakalipas nang isa sa aking mga tiyahin ay nagka-penpal ng isang Amerikano. Uso pa noon ang ballpen, magsulat sa papel, at maghulog ng sulat. Matagal-tagal din silang nagkasulatan, at dumating sa yugto na gusto nilang magkita. Wala pang Facebook at FaceTime noon, kaya’t nag-planong lumipad papuntang Pilipinas ang Amerikanong penpal ng aking tiyahin.

Dahil kami ay may bahay naman sa Maynila, at para na rin tuluyang makaliskisan, este makilatis pala ang ibig kong sabihin, ang kanyang penpal, kaya pinakiusap ng aking tita na sa bahay na namin tumuloy ang Amerikano.

Itanggi man natin o hindi, marami pa rin sa atin ang nagnanais na makakilala ng isang banyaga, at mapangasawa ito. Dahil sa isip natin ito ang ating magiging pasaporte para lumisan ng bansa. At kung tayo ay medyo tag-hirap, ito ang ating pagkakataong umunlad at makaahon sa buhay. Darating kaya ang panahon na ang mga Pilipino ay hindi na mangangarap na umalis ng bansa?

Kaya nang dadalaw na ang Amerikano, hindi kami magkandaugaga sa aming paghahanda sa kanyang pagdating. Para kaming naghanda sa isang official state visit, gaya nang dumalaw si President Trump sa Pilipinas. Kulang na lang ay umarkila kami ng banda ng mga musikero at magpa-piyesta sa aming kalye sa pagsalubong sa kanya.

Lumuwas pa ng Maynila ang aming lola mula sa probinsiya at nagdala ito ng mga buhay na manok, para raw ipanghanda sa Amerikano naming bisita. Siyempre, mas masarap pa rin daw ang lasa ng native at free-range na manok. Organic pa at siguradong hindi sinaksakan ng growth hormone at antibiotic.

Isa naman sa aking tiyuhin ang sumundo mula sa airport. Hindi na ako sumama dahil puno na ang sasakyan at baka wala pang maupuan ang aming bisita. Pagkasundo sa airport, ay sa bahay na namin sa Sampaloc Manila tumuloy ang Amerikano.

Sa aking silid pinatulog ang bisita. Malaking tao pala itong Amerikano. Hindi ko alam kung paano siya nagkasya o kung naging kumportable siya sa aking munting katre. Aaminin ko medyo masikip ang aking silid, pang-Petite (Palito?) size lang ito at hindi pang-Jumbo size. Hindi ko rin alam kung naglagkit sa init ang aming bisita, dahil wala naman kaming air conditioner. Pero may bintana naman at bentilador ang aking kuwarto.

Kahit payak ang aming bahay at masikip ang aking kuwarto, ay siguro naman ay lumutang pa rin ang aming pagiging hospitable sa aming panauhin. Kung tutuusin hindi lang ang Amerikanong penpal ng tiyahin ko ang banyagang natulog sa aking munting silid. Minsan ay nagkabisita kami ng galing Papua New Guinea na tumuloy din sa aking kuwarto. Marami ring kaming mga bisitang lokal ang nanuluyan dito. Kaya puti, itim, o kayumanggi – walang kinikilingan ang aking silid.

Balikan natin ang mga manok na dala ng aking lola. Isa dito ay puting tandang, pero hindi ito pang-sabong. Dahil hindi lahat ng manok ay ihahain kaagad, kaya’t ang iba ay hinayaan munang buhay. Kasama dito ang tandang na itinali sa veranda ng aming bahay.

Unang gabi ng aming bisita, maaring pagod na pagod sa biyahe ang Amerikano, at may jet-lag pa, kaya hahayaan lang sana namin siyang matulog kahit tanghaliin pa siya ng gising. Subalit may ibang balak ang puting tandang.

Bago pa magbukang liwayway o maaninag ang liwanag ng umaga, at bago pa magsipag-byahe ang mga traysikel ay simula nang tumilaok ang puting tandang. Walang patid at masigabo sa pagtilaok ang pesteng manok. Pumwesto pa ito malapit sa bintana ng aking kuwarto.

Hindi nagtagal ay nagising ang aming bisitang Amerikano. Galit at mainit ang ulo nito. Masama ang pagkakagising. Sino nga bang hindi mauunsiyame kung mabulabog ka sa iyong mahimbing na pagkakatulog.

Paglabas niya sa kuwarto, ay ako ang kanyang nasalubong. Sabi niya sa akin: “Where is that #&*@^! rooster, I’ll wring it’s neck!”

Sa halip na sa ilang araw pa sana kakatayin ang pobreng tandang, noong araw rin na iyon, naging tangahalian na namin ito. Nahimasmasan naman ang init ng ulo at natuwa pa ang aming panauhing pandangal, nang matikman niya ang masarap na luto na inihain namin sa kanya. Tinolang manok!

Nang malaon na ay nagkaigihan naman ang aking tita at ang kanyang penpal. Sila ay nagkataluyang magpakasal, at siya ay naging aking Uncle Tom. Hindi na nagtagal pa ay nakalipad na rin ang aking tita papuntang Amerika.

Maaring sabihin na dahil kay Uncle Tom, ay naging masuwerte ang aking tiyahin dahil siya’y nakarating ng Estados Unidos. Kahit man ako ay nabiyayaan din, dahil ang tiyahin kong ito ang isa sa tumulong sa akin sa pinansiyal nang ako’y nag-a-apply na papuntang Amerika para sa aking Medical Residency Training. Dahil sa ako’y natanggap sa isang academic hospital para mag-training, ito naman ang naging daan para ako’y makapangibang-bayan.

Noong nakaraang Pasko, maliban sa aking pagtawag sa mga kamag-anak sa Pilipinas, ay tinawagan ko rin ang aking tiyahing ito na naninirahan na sa California. Siya ang pinakamalapit kong kamag-anak dito sa Amerika. Ang California ay mahigit na tatlong oras na biyahe sa eroplano o dalawang araw na drive mula sa amin dito sa Iowa.

Sa pag-uusap namin ng aking tita ay nabanggit niya na medyo lumulubha na raw ang kalagayan ni Uncle Tom at nagiging makakalimutin na rin ito. Sa katunayan, may mga ilang taon nang may sakit si Uncle Tom. Salamat na lang kay tita na tunay na nagmamahal sa kanya, at hindi niya ito pinababayaan. Isa pa, dahil nurse ang aking tiyahin, naaalagaang lubos si Uncle Tom.

Sa aking tingin at palagay, kung naging masuwerte ang aking tiyahin, mas naging masuwerte si Uncle Tom dahil nakilala niya ang aking tita at ang aming pamilya. At hindi lang ito dahil sa nakakain siya ng tinolang manok.

DSC_0048

(*photo taken during our last visit to the Philippines)

Iba Namang White Christmas

Habang ako’y nagda-drive pauwi kagabi ay aking napuna na may mga butil-butil ng niebe (snow) na lumilipad. Matagal-tagal na rin namang kaming naghihintay ng snow, kahit na hindi ko paboritong libangan ang mag-shovel nito. Sabi kasi sa aming weather forecast, maaaring magkaroon daw kami ng 1-2 inches ng snow. Yey, White Christmas!

Pagbangon ko kaninang umaga ay dumungaw ako kaagad sa labas. Kakarampot naman pala ang snow na bumagsak. Ang kuripot naman!

IMG_6217

Dahil konting-konti lang ang aming snow (above photo), siguradong malulusaw at maglalaho na ang lahat ng ito bago pa mag-Pasko. Sang-ayon ulit sa aming weather forecast, wala na kaming  snow fall bago mag-Pasko dito sa Iowa. Mapupurnada yata ang aming White Christmas!

Nainggit tuloy ako sa mga lugar dito sa Amerika na maraming snow ngayong Pasko. Noong nakaraang araw lang, ay pinadalhan ako ng aming kaibigan ng photo na kuha niya mula sa Morristown, New Jersey (photo below). Parang scene sa Frozen ang dating.

IMG_6215

Sa Morristown, New Jersey ako unang napadpad at nanirahan dito sa Amerika. Tatlong taon din akong lumagi doon. Dito ko naranasan ang aking kauna-unahang White Christmas, na noon ay nakikita ko lamang sa mga pictures. Dito ko nasabing para akong nakatira sa loob ng Christmas card.

Nang ako’y bata pa at naninirahan sa Maynila, hindi ko inakalang ako’y makakaranas ng White Christmas. Nagkakasya na ako sa mga dekorasyon namin sa aming classroom sa paaralan ng mga Christmas tree na pinuno ng mga bulak para magmukhang may snow. Sa bulak lang masaya na ako.

Tapos sa klase kakanta kami ng “Dashing through the snow” at “I’m dreaming of a White Christmas.” Ano ba naman ang malay ko sa snow at White Christmas? Alam ko lang noon ay “dashing through the flood!” Kinakanta rin namin ‘yung “Frosty, the Snowman.” Pero ‘yung Frosty alam ko at gusto ko. Ito ay isang brand ng ice candy noong bata ako. Masarap siya!

Taong 1991 nang nakaranas ako na pumuti ang kalsada sa Maynila. Pag-gising ko isang umaga at sa pagdungaw ko sa labas, ay nakita kong medyo maputi ang aming paligid. Nag-snow sa Maynila?! Pero nang aking kilatisin, hindi ito snow, kundi abo pala! Abo mula sa pagsabog ng Mt. Pinatubo.

Taong 1994, aking nilisan ang Pilipinas. Hindi para makakita ng snow o maghukay ng yelo, pero para tugisin ang aking mga pangarap sa buhay.

Ngayon, makatapos kong maranasan ang marami ng White Christmas, iba na ang gusto ko sa Pasko. Ibang puti na ang gusto ko, hindi snow. Puti, tulad ng puting buhangin sa beach ng Zambales.  Puti, tulad ng kesong puti sa loob ng bagong lutong pandesal. Puti, tulad ng bagong kaskas na niyog sa ibabaw ng puto bungbong.

Umulan na lang sana ng bagong kaskas na niyog. Samahan na rin sana ng pag-ulan ng puto bungbong at bibingka. Teka, masakit yatang mabagsakan ng bibingka!

Hay, nami-miss ko na naman ang Pilipinas.

Sa lahat ng mga Pilipino sa iba’t-ibang lupalop ng mundo, ano mang puti ang pumapaligid sa inyo – maging ito’y snow, o kaya’y abo at lahar, o puting buhangin at malinaw na dagat, o kaya’y disyerto, o mga puting semento, o kaya nama’y mga kumpol na bulak, o tambak ng puting basura, o kaya’y maging bagong kayod na niyog – kayong lahat ay aking binabati ng Maligayang Pasko!

 

 

A Pineapple Tale

During my last visit to the Philippines, I had a long talk with my mother. Not trying to be morbid, and in fact she was still in good condition, but with her advancing age I just asked her what her wishes were if in case she would be put to rest. She told me what her wishes were, but also told me parts of a story that I have never heard before…..

Almost 100 years ago, there was young man in Ilocos Norte who joined a wave of Ilocano migrants to Hawaii in search of a better future. It was during the time of one of the largest Filipino migration to Hawaii. Muscular and strong, he was picked to work in a pineapple plantation in Hawaii.

fieldworkers

Hawaii plantation in 1900’s (photo courtesy of Hawaii state archives)

However after a few years of hard labor in the plantation, with long hours under the Hawaiian heat – homesick and longing for the love of his life that he left behind – he decided to go back home to the Philippines. Whether it was a wise or unwise decision, who are we to judge?

Once back home he married his childhood sweetheart. He was determined not to return to Hawaii, but rather try his fortune back in his hometown. He started building a house in Sarrat, Ilocos Norte for his family.

He worked incessantly, and one day while working on the house that he is erecting, he suddenly collapsed. The older folks said he suffered from “pasma,” but the doctor in me think it was something else, though I just cannot be sure what. He did not really recover after that and died shortly thereafter. He was in his mid 20’s.

He left a grieving young widow who was 8 months pregnant with their first baby. That baby was my mother.

My mother was born and she grew up without knowing her father. She did not even know what her father look like. All she had were the stories from her mother of how wonderful and loving her father was.

My mother pursued her own dream despite of their “unlucky” situation, so she made good in her studies.

On the day of her high school graduation, a supposedly happy occasion, she arrived home and found her mother slumped on the floor and unable to speak. She most likely suffered a devastating stroke. She died several weeks later, and left my mother a complete orphan at a young age.

My mother was still able to go to college with the help of her aunt and uncle who unofficially adopted her. She later earned a bachelor degree in education.

After finishing college, my mother took teaching assignments and taught elementary in different provinces. She was assigned in Baler, Quezon and stayed there for a couple of years. When she transferred to Norzagaray, Bulacan as a teacher, she met a handsome young man there. That was my father.

They fell in love and eventually got married. They moved to Sampaloc, Manila where they raised their family, and the rest was history.

I have no photos of my grandfather. Not even a grave to visit where his remains lies, as my mother told me that he was buried in a piece of land that the government subsequently bought and turned into a road. What road or highway was it, my mother was not sure.

We have no memorabilia of his existence. All I have is this story of a man whose likeness I most likely bear, as many say that I am a spitting image of my mother, and who knows, perhaps of my grandfather too.

My grandfather had no idea that one of his seeds will one day make his way back to America. Though not in the pineapple plantation of Hawaii, but settling around the cornfields of Iowa. Not as an unskilled laborer, but as a highly trained physician. He gave up his American dream, but in a happy twist of fate, it led the way for me to chase mine. I have migrant blood in me after all.

IMG_0309

Dole pineapple plantation in Hawaii (photo taken during our visit)

About two years ago, I had the opportunity to visit Hawaii with my wife and kids. We even visited the Dole pineapple plantation and ate some pineapple ice cream there. Never did I knew at that time, that part of my roots came from that place.

Pineapple is one of my children’s favorite fruit. They like to eat it as is, or mixed in a fruit salad, or as fruit drink, or even as a topping in their pizza. Maybe their great-grandfather liked it too. Or maybe he hated it, and hated it so much that he left the plantation.

But I’m glad he left the pineapple plantation and went back home. Thus this story exists. And I exist to tell this story.