Friday the 13th

Today is Friday the 13th. For superstitious folks out there, please beware!

Many people consider this as the unluckiest day in the calendar. According to an article from National Geographic, the fear surrounding Friday the 13th may be rooted in religious beliefs. It has to do with the 13th guest at the Last Supper, who is Judas, the apostle who betrayed Jesus, who in turn was crucified on a Friday.

The fear for Friday the 13th is so widespread that psychologists even have a term for people who suffers from it: paraskavedekatriaphobia. That’s a mouthful. The irrational fear for the number 13 is called triskaidekaphobia.

Irrational or not, many buildings don’t have a 13th floor. So elevators will go from 12th floor and then skip to 14th floor. In 2002, based on an internal review of records, a report from Otis Elevator Company estimated that 85% of the buildings with Otis brand elevators did not have a floor named the 13th floor.

Most hotels have no room 13. Many hospitals have no room 13. Even our own ICU has no room 13. So you think medical institutions are not superstitious? Though I get it, I think patients or their family will freak out if they learn that they are being admitted to ICU room 13.

Speaking of ICU, I have been the ICU attending for the past couple of weeks now. It has been busy, plus you know that July is when the new residents or physicians-in-training start, so it is an added stressor to me. To destress, I blog.

It is known in the medical world that the rate of medical errors and surgical complications spikes in the month of July. The hospitals even have a name for it: the July effect. This is not due to a mystical phenomenon, but due to a very logical reason stemming from the inexperience of the newbie doctors.

Thus I am supervising and watching my residents like a hawk this time of year. And today, Friday July 13th, I will even be more vigilant.

To end, in connection to mystical events, I would like to share a story that was posted by a batchmate in the group chat:

Murder Mystery at the Makati Medical Center

There was this case in the hospital’s Intensive Care Unit where patients always die in the same bed on Sunday mornings at 11 A.M., regardless of their medical condition. This puzzled the doctors and some even thought that it had something to do with the supernatural or even murder. No one could solve the mystery as to why deaths happen on Sunday at 11 A.M.

Mr. Licauco, Fr. Bulatao and the Ateneo paranormal folks were called. They arrived armed with special photographic equipment, infra-red devices and motion sensitive radar to detect any presence.

So on the next Sunday morning, a few minutes before 11 AM, all the doctors and nurses nervously  waited outside the ward to see for themselves what the mysterious phenomenon was all about. Some were holding wooden crosses, strings of garlic, amulets, prayer books and other holy objects to ward off evil spirits.

Just then, the clock struck 11. And then……..

Mang Joe, the part-time Sunday janitor, entered the ward, unplugged the life support system and plugged in the vacuum cleaner.

Have a happy Friday the 13th folks!

happy-friday-the-13th-1

(*photo from the web)

Pinaglalaruan: Kwentong Multo

Taong 1991, ako ay isang medical intern na nakadestino sa Canlubang, Laguna sa isang maliit na ospital bilang aming community service. Isang malamlam na gabi, isang binata ang itinakbo sa aming Emergency Room. Ito’y walang malay at para bagang naninigas pa.

Sabi ng mga kamag-anak nito ay wala raw silang alam na sakit ang binata. Alam lang daw nila na mahilig itong mapag-isa at malimit itong pumaroon na walang kasama, sa tabi ng ilog.

Tumingin sa akin ang nakatatandang duktor na naka-duty sa Emergency Room. Tinanong niya ako kung ako raw ba ay “naniniwala.” Naniniwala saan?

Hindi ako nakasagot. Dahil hindi ko rin naman alam ang aking isasagot.

Hindi na lang umimik sa akin ang Emergency Room doctor, ngunit naringgan ko na sabi nito sa isang nurse, na baka raw napaglaruan ng espiritu ang binata.

Bilang mga Pilipino, tayo’y maraming mga paniniwala. Hindi alintana kung ano man ang antas natin sa buhay, bata man o matanda, mataas man ang pinag-aralan o wala, marami sa atin ay may mga superstisyon.

Naniniwala tayo sa multo, sa aswang, sa tikbalang, sa kapre, sa tiyanak, sa manananggal, sa nuno sa punso, sa engkanto at engkantada, sa dwende at marami pang iba.

Balik tayo sa Canlubang. Isang buwan din ang naging rotation namin doon. Apat na babaeng co-interns ang kasama ko sa rotation na iyon, ako lang ang lalaki. Sa isang maliit na gusali sa likod ng ospital kami nanirahan habang kami ay naninilbihan doon.

Isang gabi, isa sa aking co-intern ay may hinahanap na gamit niyang nawawala. Kami ay tinanong niya kung amin daw ba itong nakita. Sumagot ang isa ko namang co-intern na baka raw “hiniram” lamang ito.

“Hiniram nino?” ang aming tanong.

“Maari ng mga dwende,” and sagot niya.

Nagkatinginan na lamang kaming apat. Tanong namin, “May dwende ba rito?”

“Oo, ayun nga ang isa sa may pintuan o,” ang dagdag pa nito.

Biglang nagtayuan ang aming mga balahibo! Sumulyap kami sa may gawing pintuan kung nasaan daw yung dwende, ngunit wala naman kaming nakita.

Mayroon daw talagang mga tao na kitain ng dwende, o ng multo, at ng kung anu-ano pang kataka-takang pangitain. Siguro katulad ko ay may mga kakilala rin kayong kagaya nila. Ayaw natin silang kasama, kasi lalo lang tayong matatakot.

Mula noon, lagi nang nagpapasama sa akin ang aking mga co-intern paglalabas sila sa gabi mula sa aming tinitirahan, kahit patungo lang sila sa ospital, na may ilang hakbang lang ang layo. Madilim at mapuno naman kasi ang paligid, tapos dadaan ka pa sa tabi ng morgue ng hospital. Sino nga ba naman ang hindi matatakot?

Marami pa akong narinig na makababalaghang kwento mula sa aking pagkabata sa mga lugar na aking narating. Tulad ng White Lady sa Balete Drive sa pagitan ng Aurora Boulevard at Rodriguez Avenue. O kaya nama’y ang kwento ng diwata sa bundok ng Makiling, na kilala na si Maria Makiling. Nang kami din ay bumisita sa isang liblib na purok sa probinsiya ng Quezon, bilin sa amin ng mga tagaroon, huwag daw kaming masyadong tititig sa mga nakadungaw sa bintana na hindi namin kakilala, at baka raw kami mamaligno.

Naalala mo rin ba noong bata ka, huwag ka raw tatapak sa maliit na bunton ng lupa, at baka raw may nuno sa punso na nakatira sa loob nito. O kaya ay binabawalan ka na huwag kang turo nang turo kapag nasa gubat o mapunong lugar, at baka ka ma-matanda. Umiwas din daw sa puno ng balete at baka magambala mo ang mga nilalang na naninirahan doon.

Naniniwala ba ako sa mga ito at mga kwentong multo?

71576822

May kinakausap kaya ang batang ito sa puno ng balete?

Pagkatapos ko ng aking internship, dahil hindi ko pa tiyak kung anong specialty ang aking pipiliin, kaya’t nag-moonlight muna ako sa isang ospital sa Plaridel, Bulacan. Habang ako ay nagre-review para sa Medical Licensure Exam ng US, upang makapag-training sa Amerika, ay sa Plaridel muna ako nanilbihan ng kulang-kulang isang taon.

Maliit lang ang ospital na iyon. Nasa looban ito at nasa daang graba. Sa ikalawang palapag ng ospital ay mga kwarto ng pasyente. Sa unang palapag naman ay ang klinika, at ang emergency room.

Isang gabi na medyo matumal ang dating ng mga pasyente, ako lang at isang nurse ang nasa ospital. Walang pasyenteng naka-admit sa ikalawang palapag, kaya’t patay lahat ng ilaw sa itaas. Wala ring laman ang Emergency Room maliban sa akin at sa nurse na naka-duty. Naroon din naman si Manong na katiwala ng ospital na nakaupo at nagbabantay sa pinto ng Emergency Room.

Isang maitim ngunit mapaglarong panukala ang parang ibinulong sa akin ng hangin.

Nagpaalam ako sa nurse at sabi ko ako’y bibili lang ng softdrink sa may tindahan sa kanto. Sinabihan ko rin si Manong na tawagin at takbuhin lang ako sa kanto kung sakaling may emergency na dumating.

Pagbalik ko sa Emergency Room ay humahangos akong sinalubong ng aming nurse.

“Doc! May multo po yata sa taas!” ang gimbal na pahayag ng aming nurse.

Tinanong ko kung ano ang nangyari. Sabi niya ay may narinig siyang malalakas na yabag mula sa ikalawang palapag. At para bang may kinakaladkad pa itong kadena, wika pa ng aming nurse.

Alam namin na walang ibang tao sa ospital. May mga ligalig kayang kaluluwang gumagala-gala sa gusaling ito? Ano kaya ang kanilang gustong ipahayag? Baka naman “pinaglalaruan” lamang kami.

Bumaling ako kay Manong. Sa halip na takot ang mababakas sa kanyang mukha ay parang nakangisi pa ito, na para bang may sanib.

Marahan kong nilapitan si Manong, habang pilit kong tinatago ang tunay kong nararamdaman. Ako’y bumulong sa kanya, “Bukas ko na lang po isasauli ang aking hiniram.”

Kinaumagahan, isinauli ko na ang hiniram kong kadena ng bisikleta ni Manong, na aking kinaladkad sa ospital noong gabi.

Pinaglalaruan nga ba kamo?

*******

P.S. : Nurse Owie, peace na tayo.

(*photo from the web)

Usog, Gayuma at Anting-anting

“Hijo, nausog ka. Hubarin mo ang iyong damit, upang ating banlian ng mainit na tubig.”

Iyan ang aking naaalala na sabi ng aking lola. Akala ko ay mga sanggol lang ang nauusog. Ako noon ay nasa elementarya na, at kami ay dumadalaw sa aking lola na nasa Bulacan. Masaya akong naglalaro sa harap ng bahay nang biglang tumikwas ang aking sikmura, at ako’y nagsuka. Hindi humupa kaagad-agad ang aking pagsusuka, kaya ako ay tinuringang nausog.

Pagkatapos akong asikasuhin ng aking lola ay huminahon naman agad ang aking pakiramdam. Impatso lang kaya iyon?

Kung ikaw ay Pinoy, siguro ay alam mo ang usog, gayuma, anting-anting, kulam, at iba pang mga paniniwalang Pilipino. Siguro ay nausog ka rin noon? Naka-usog? Nagayuma? Nang-gayuma? Nagkaroon ng anting-anting? Nawalan ng anting-anting? Nakulam? O nang-kulam? Kung ikaw ay mangkukulam, paki-usap naman po, huwag naman sana ninyo akong kagalitan.

Bilang isang tunay na Pilipino ay namulat ako sa mga superstisyong ito. At minsan sa aking musmos na isipan ay naniwala rin sa mga ito. Sabihin na lang natin na kasabay ng paglisan ng aking tiwala kay Santa Claus ay ang pagkawala rin ng aking paniniwala sa mga ito. Ipagpaumanhin ninyo po sana ang aking pagiging pasaway.

Maliban sa usog, ay pinagsabihan din ako noon na mag-ingat sa mga gayuma, lalo na noong ako’y magbinata na. Hindi naman sa pagmamayabang, ay naging habulin din ako ng mga chicks. Hindi pala chicks, kung hindi mga inahing manok at tandang ang mga humabol sa akin noon, dahil nagalit sila sa aking pagbubalabog sa mga manok at sisiw na nasa silong ng bahay ng aking lola doon sa probinsiya.

Tungkol sa gayuma, maraming paraan ang paggawa nito. Maari daw itong katas ng halaman, pawis ng hayop, o sarili mong laway. Maniwala ka o hindi, hindi ako gumamit ng mga ito. Peks man!

Kung pag-uusapan naman ay mga anting-anting o agimat, ay wala akong karanasan dito. Pero may nagsabi sa akin na may malayo raw kaming kamag-anak na may anting-anting. Tinangka niyang sumalo ng bala ng armalite, kaso nga lang hindi umubra ang kanyang anting-anting. Sa kasawiang palad, siya ay natepok.

Hindi ba naging palasak din ang mga pelikula noon (at hanggang ngayon!) tungkol sa mga taong pinaniniwalaang may mga anting-anting. Tulad ni Nardong Putik, Pepeng Agimat, Tiagong Akyat, at siyempre pa, ang Panday. Siguro, isali na rin natin dito si Enteng Kabisote. Pinanood mo rin ba ang mga ito?

Kung ikaw ay mapapagawi sa may Quiapo, sa may labas ng simbahan, ay tatambad sa iyo ang mga tinitindang mga anting-anting. Samahan lang daw ito ng bulong at orasyon, at magkakaroon ka na ng agimat. Totoo nga kaya?

11984354906_0da81e8f88_z

mga anting-anting sa Quiapo (photo credit: docgelo)

Sa kulam naman, ay marami akong kwento tungkol dito. Hindi dahil sa may lahi kami ng mga mangkukulam. Marunong lang daw kaming lumaban sa mga kulam.

Balikan natin ang aking lola doon sa Bulacan. Siya ay pinupuntahan noon ng mga taong inaakala nilang kinulam, at siya ay pinapakiusapang kontrahin ang mga kulam. Naging tanungan din siya ng mga taong may nawawalang bagay. Isa sa mga kwentong aking narinig ay isang magsasakang nawala ang alagang kalabaw. Matapos ang munting dasal at pagsisindi ng kandila, ay sinabi niya ang lugar kung saan makikita ang kalabaw. At natagpuan naman ito!

Minsan daw ay kinulam ang aking tita, ngunit nahadlangan ito ng aking lola. Tunay naman na may angking galing ang aking lola. Nasa lahi pala talaga namin ang pagiging mang-gagamot. Huwag na ninyong itanong kung naisalin o naipamana sa akin ang abilidad na ito. Walang tsansa, sapagkat ako’y isang erehe at hindi naniniwala.

Noong ako’y nasa kolehiyo na, minsan kami ay nagbakasyon sa Ilocos Norte, kung saan lumaki ang aking nanay. Habang nagpapahinga ang aking tatay sa ilalim ng punong mangga ay biglang sumama ang timpla ng kanyang pakiramdam. Siya ay nahilo, sumakit ang ulo, at nagsimulang sumuka.

Sabi ng mga matatanda doon sa Ilocos, ay baka raw kinulam ang aking tatay ng mga naiinggit sa kanya. Sabi naman ng iba ay baka raw napagkatuwaan siya ng nuno sa punso sa ilalim ng punong mangga.

Matapos kaming makabalik sa Maynila, hindi pa rin umigi ang lagay ng aking ama. Nagpatingin na siya sa duktor. Pagkaraan ng maraming mga eksaminasyon, kasama na ang CT scan ng ulo, ay napagtanto na hindi kulam o nuno sa punso ang problema. Isang malaking tumor sa utak ang dahilan. Ito na rin ang naging sanhi ng kanyang maagang pagyaon.

Mula noon ay lalo nang nawala ang aking paniniwala sa mga superstisyong ating kinagawian. Habang patuloy ko namang tinahak pa ang landas ng siyensiya at medisina.

Lumipas pa ang panahon, ay naging tanungan na rin ako ng aking mga kamag-anak. Hindi ng mga nausog, nagayuma, o nakulam, kung hindi ng mga may karamdaman at sakit. Dahil ako ay naging isa nang ganap na duktor.

At sa aking mga paglalapagan ng kamay: “pwera usog!

The Letter

Dear Dr. (Pinoytransplant),

On July 12, 2012 you saved my life – and I’ll always thank you.

                                                                                    Kindly,

                                                                                    Mary Ann (last name withheld)

This is a letter I received a couple of weeks ago. As I read that short letter, I tried to think who Mary Ann was, and what did I do to deserve her gratitude. But I am really bad with names, so I had to look her up in our electronic medical records to remind me who she was. After reviewing the records, I remembered her clearly then.

I was the ICU attending physician that month. It was July, the deadliest month to be in the hospital according to a study*, let alone to be in the ICU. The reason July was determined to be the deadliest month, at least in the United States, is that it is the time when the newly minted physicians-in-training start their work in the hospital. And new physicians means, less experienced, and thus more prone to making mistakes. But there could be other factors too, like if it is a full moon, or if it is Friday the 13th, or if there is a solar or lunar eclipse. That is if you believe on those superstitions.

I know I was extra careful that time, and I was really supervising my medical residents (physicians-in-training) like a hawk, as I don’t want my ICU to be a part of the prevailing statistics. High mortality? Medical errors? Not on my watch. Or at least that was my intention. And there was even a Friday the 13th that month!

We were also very busy that month as I recall, averaging 15 to 20 ICU patients under our service in any single day. Then Mary Ann got admitted to our ICU. She had worsening lung infiltrates or pneumonia and deteriorating respiratory status. She underwent bronchoscopy (procedure to look directly into the lungs’ airways with a scope) and lung biopsy so we can determine exactly what was going on in her lungs. To make matters worse, she bled profusely after the biopsy due to her underlying blood disorder.

Our patient went into respiratory failure and was intubated and was kept on a ventilator for a couple of days. It was touch and go for a while (including that Friday, July 13th). However with methodical care, and her determination to get well, and perhaps also good luck (that is if you also believe in that) or plainly due to Divine intervention, she eventually improved. After five days of ICU stay, she was transferred out.

Mary Ann made a full recovery, and was ultimately discharged out of the hospital. She beat the odds, you may say. Definitely she did not become a casualty nor a statistics of July.

The kind of letter that I received from my patients, like Mary Ann, are few and far between. Most of the time, my ICU experience could be somber and downright depressing. With the current ICU admissions’ average mortality** of 10% to 29%, means a lot of deaths in any given day in my line of work. It is not really about the care (though that contributes), but more to the severity of their disease. And that can somehow get into you. Although I also have received a few letters from our patient’s family thanking me for the care I gave, even if their loved one had died. Those letters are more humbling.

So when I am feeling down, or when I start to doubt our efforts, or when I am feeling overwhelmed with the stress of the ICU, or when I feel troubled on how many death certificates I sign (see previous post here) – I have these letters to remind me, that it is still worth doing this.

Maybe I should laminate Mary Ann’s letter, and hang it on my wall.

*******

*study from University of California, San Diego, published 2010

**statistics from Society of Critical Care Medicine