Gusto mo bang magbalik tanaw sa nakaraan? Halina’t sariwain natin ang mga karanasan noong tayo’y bata pa. Ilan kaya sa mga ito ang naaalala mo pa? Ang munting quiz na ito ay para sa mga bata noong dekada 70-80’s.
1. “Nasaan ang tibay mo?” Ito ay isang commercial tungkol sa:
A. semento
B. tsinelas
C. bangko
D. beer
2. Ang Bazooka na nabibili sa sari-sari store ay:
A. iniinom
B. ipinapahid
C. pinipiga
D. nginunguya
3. Sangyon sa kanta ni Dingdong Avanzado, magkano raw ang kailangan para makatawag sa telepono?
A. trenta sentimos
B. singkwenta sentimos
C. tatlong bente-singko
D. apat na bente-singko
4. Ano ang mga kailangan para makapaglaro ng tumbang preso?
A. lata at tsinelas
B. tsinelas at patpat
C. patpat at goma
D. lata at lubid
5. Ang laser sword ay ultimatong sandata ni:
A. Mazinger Z
B. Voltes V
C. Power Rangers
D. Voltron
6. Sino ang hindi kasama sa pelikulang Bagets?
A. William Martinez
B. Herbert Bautista
C. Aga Mulach
D. Richard Gomez
7. “Hindi lang pampamilya, pang sports pa!” Ito ay commercial ng:
A. sports bra
B. kotse
C. rubbing alcohol
D. gin
8. Ano ang hindi pelikula ni Fernando Poe Jr?
A. Umpisahan Mo, Tatapusin Ko
B. Anak ni Baby Ama
C. Ang Panday
D. Kapag Puno Na Ang Salop
9. Ano ang hindi laro sa Game and Watch?
A. Octopus
B. Egg
C. Space Invader
D. Chef
10. Saan mo narinig ito: “Boom tiyaya boom tiyaya boom tiyaya boom!”
A. isang Filipino rap song
B. isang commercial ng shampoo
C. sayaw sa Eat Bulaga
D. sa isang larong pambata
11. Sino ang gumanap na isa sa anak ni Dolphy sa show na “John en Marsha?”
A. Vandolph
B. Janice de Belen
C. Maricel Soriano
D. Niño Mulach
12. Sino ang hindi player ng Crispa?
A. Atoy Co
B. Manny Paner
C. Bogs Adornado
D. Philip Cesar
13. Alin ang hindi kanta ni Sharon Cuneta at Rey Valera?
A. Kung Kailangan Mo Ako
B. Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
C. Natutulog Ba Ang Diyos
D. Maging Sino Ka Man
14. Anong pangalan ng first airconditioned bus sa Metro Manila?
A. Love Bus
B. JD liner
C. BLTB transit
D. Philtranco
15. Anong department store ang may palabas na gumagalaw na mga mannequin tuwing Pasko noon?
A. Ali Mall
B. Harrison Plaza
C. C.O.D.
D. Rustan’s
16. Anong sagot sa bugtong na ito: “Isda ko sa mariveles, nasa loobs ang kaliskis.”
A. sili
B. galunggong
C. sardinas
D. atis
17. Noong martial law, tuwing flag ceremony, anong kanta ang inaawit pagkatapos ng “Lupang Hinirang?”
A. Bayan Ko
B. Bagong Lipunan
C. Leron Leron Sinta
D. Mga Kababayan Ko
18. Anong laro ang may kantang: “rikitik-kitik and a blue black sheep?”
A. shato
B. Chinese garter
C. Monkey, Annabelle
D. prisoner’s base
19. Ano ang “Student Canteen?”
A. karinderia sa Iskul Bukol
B. isang noontime TV show
C. isang bookstore
D. isang night club
20. Ang radio broadcaster na nagpasikat ng “toning water” ay si:
A. Joe Taruc
B. Rey Langit
C. Johnny Midnight
D. Brother Mike
***********
(For correct answers please see comment section.)
Score:
16 or above: isa kang tunay na batang dekada 70-80’s.
8-15: maaaring hindi ka pa ipinanganak noong 70-80’s, pero may alam ka sa history.
7 or below: maaaring matanda ka na, at naguulianin ka na rin.
1. B, ito ay commercial ng tsinelas na Spartan
2. D, Bazooka bubble gum
3. C, tatlong bente-singko. Trenta sentimos ay sa kanta ng Apo Hiking
4. A
5. B
6. D
7. C, Family rubbing alcohol
8. B, ito ay pelikula ni Robin Padilla
9. C, ito ay isang arcade video game
10. D, “bubuka ang bulaklak, sasayaw ang reyna….”
11. C, si Vandolph ay anak sa palabas na Home Along da Riles
12. B, si Manny Paner ay player ng San Miguel
13. C, ito ay kanta ni Gary Valenciano
14. A
15. C
16. A
17. B, “May bago ng silang, may bago ng buhay, bagong bansa, bagong galaw, sa bagong lipunan.” Ang Bayan Ko ay inaawit sa mga rally at pagwewelga, hindi sa flag ceremony.
18. C, “Monkey, monkey, Annable, how many monkey did you see?”
19. B, dito nagsimula si Connie Reyes, bago siya lumipat ng Eat Bulaga.
20. C, Johnny Midnight. Si Joe Taruc at Rey Langit ay reporters ng DzRH, at si Brother Mike ay sa El Shaddai.
hahaha, ang saya
;D