Kagat-dila

Posted by

Nakakalungkot ang mga bali-balita na nagliyab sa ating bansa noong nakaraang linggo at nakarating pa ito sa ibang bansa. May mga nasaktan, may mga nagalit, at may mga nanindigan. Nahati ang sentimyento ng ating bayan. Kulang na lang magbalibagan tayo ng sapatos sa ating pagbabangayan. Ah, eh, may nagsiliparan din palang Nike na sapatos.

Ano man ang inyong panig o pananaw, maraming nagsasabi na sana raw ay hindi na lang sinabi ang mga nasabi. Sa madaling salita – wah sabi. Dahil pagnasabi ang isang bagay, para itong wasabi ng sushi – masarap sa iba, maanghang sa iba. Kagat dila na lang sana raw.

Hindi ko hinahangad na malagay sa sapatos (hindi na Nike) ni Manny, ngunit kung sakali mang magkataon ay kakagatin ko na lang ang aking dila at aking sasabihin:

“Tat Thritian, tawal taman ‘tung tame-tex tarriage. Tinawa tang tatae tara ta lalati, tinawa tang lalati tara ta tatae.

Tati tara ta takin tito tang, tommon tense tang. Takakita ta ba tang tany tanimals na lalati ta lalati o tatae ta tatae? Mat mabuti ta ‘tung tayop.  Matunong tumilala, tung lalati o lalati, tatae, tatae.

Tayon tung lalaki ta lalaki, tatae ta tatae, mat matahol ta ta tayop tang tao.

To ‘di ba? Tayop tang… tindi talaga twedeng magtama tang lalati ta lalati, tero I’m not tondemning them. ‘Tung tarriage tang, ‘tung tommitting tin tagainst Tod.”

*********

(*altered quote from the full transcribed statement of Pacquiao)

P.S.: wala pong kinalaman sa pag-tatae ang artikulong ito; ang pagkakatulad ay hindi po sinasadya.

 

3 comments

  1. minsan kasi masyado nang campante ang tao nagiging opinionated at sobrang confident na akala niya may say siya sa lahat ng bagay. kaya mas maganda pa rin kung sinarili na lang niya ang kanyang pananaw, e di sana di naapektuhan ang hanapbuhay at nike ;D

  2. Sometimes when I’ve been mad and want something, even from my wife, I’ll tell the opposite words… and it always work 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s