Kagat-dila

Nakakalungkot ang mga bali-balita na nagliyab sa ating bansa noong nakaraang linggo at nakarating pa ito sa ibang bansa. May mga nasaktan, may mga nagalit, at may mga nanindigan. Nahati ang sentimyento ng ating bayan. Kulang na lang magbalibagan tayo ng sapatos sa ating pagbabangayan. Ah, eh, may nagsiliparan din palang Nike na sapatos.

Ano man ang inyong panig o pananaw, maraming nagsasabi na sana raw ay hindi na lang sinabi ang mga nasabi. Sa madaling salita – wah sabi. Dahil pagnasabi ang isang bagay, para itong wasabi ng sushi – masarap sa iba, maanghang sa iba. Kagat dila na lang sana raw.

Hindi ko hinahangad na malagay sa sapatos (hindi na Nike) ni Manny, ngunit kung sakali mang magkataon ay kakagatin ko na lang ang aking dila at aking sasabihin:

“Tat Thritian, tawal taman ‘tung tame-tex tarriage. Tinawa tang tatae tara ta lalati, tinawa tang lalati tara ta tatae.

Tati tara ta takin tito tang, tommon tense tang. Takakita ta ba tang tany tanimals na lalati ta lalati o tatae ta tatae? Mat mabuti ta ‘tung tayop.  Matunong tumilala, tung lalati o lalati, tatae, tatae.

Tayon tung lalaki ta lalaki, tatae ta tatae, mat matahol ta ta tayop tang tao.

To ‘di ba? Tayop tang… tindi talaga twedeng magtama tang lalati ta lalati, tero I’m not tondemning them. ‘Tung tarriage tang, ‘tung tommitting tin tagainst Tod.”

*********

(*altered quote from the full transcribed statement of Pacquiao)

P.S.: wala pong kinalaman sa pag-tatae ang artikulong ito; ang pagkakatulad ay hindi po sinasadya.

 

Lumang El Bimbo

Hinintay ko nang matagal,

Gabi ng ating pagkikita,

Ngunit ako’y naimbiyerna,

Sa pagganap mong ipinakita.

 

Ang yakap mo ay kay higpit,

Braso ko ay iyong iniipit,

Bitiwan mo na ang aking kamay,

Pagka’t hindi naman tayo bagay.

 

Ipagpatawad mo aking kapusukan,

Sa husay mong sumayaw di abutan,

Kasi El Bimbo lang aking alam,

Naiwanan tuloy sa takbuhan.

 

Ano ba! Ikaw ba ay lalaban,

O tayo’y magsasayawan na lang?

Kung akin lamang alam,

Sana tayo’y nagkantahan na lang.

 

(*For all the frustrated boxing fans who expected more, after watching Mayweather and Pacquiao fight.)