Tatlong Kahilingan

Posted by

Isang sawimpalad na binata ang nakatayo sa breakwater ng Maynila. Dahil lagi na lang siyang basted sa lahat ng kaniyang niligawang babae, kaya’t handa na itong tumalon sa maruming tubig ng Manila Bay at magpakalunod na lamang.

Ngunit bago ito magpakalunod ay mayroon siyang nakitang isang kakaibang bote na lumulutang-lutang sa tabi ng dagat. Kanyang pinulot ang bote at binuksan…..

GirlintheBottleFromtheSea

Poof!

Isang genie mula sa bote ang biglang lumitaw sa kanyang harapan!

“Maraming salamat kaibigan, at ako’y iyong pinalaya,” bati ng genie. “Bilang ganti, ay bibigyan kita ng tatlong kahilingan. Aking ipagkakaloob anuman ang iyong hilingin,” sabi pa ng genie.

Napaisip ang binata. Hmmm.

“Gusto kong maging mayaman,” ang naging unang hiling ng lalaki.

Poof!

Biglang nagkaroon ng Rolex na relo ang kanyang braso. Kinapa niya ang kanyang bulsa, at kanyang hinugot ang isang bagong Salvatore Ferragamo na wallet na busog na busog sa tig-iisang libong piso na pera.

Napalingon ang binata, at kanyang nakita ang isang kotse – isang pulang Porsche na nakaparada sa tabi ng breakwater na may vanity plate na “PEDRO,” na siyang pangalan ng binata.

Tuwang-tuwa ang kolokoy. Muli itong nag-isip.

“Gusto kong magkaroon ng magandang girlfriend,” ang naging pangalawang kahilingan ng binata.

Poof!

Nagkaroon ng mala-binibining Pilipinas na isang dalaga sa loob ng Porsche ni Pedro. Kumaway ito sa kanya. Nagpa-bebe wave naman ang binata sa magandang dilag at hanggang tenga ang ngiti ng kumag.

Muling napa-isip ang binata para sa kanyang pangatlong kahilingan. Ano kaya ang kanyang magiging huling hiling?

Naisip niya ang mga gwapong artista na tulad nila Dingdong Dantes at Alden Richards na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.

“Gusto ko kapag ako’y dumadaan, ako’y tinitilian ng mga kababaihan,” ang naging pangatlong hiling ng binata sa genie ng bote.

Poof!

At si Pedro ay naging isang gwapitong…….ipis!

*******

(*photo from the web)

(**Ang istoryang ito ay orihinal na kathang-isip ng isang utak na kulang sa tulog. Sige matutulog po muna ako.)

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s