Ako’y tumakbo kaninang umaga,
Sa amin dito sa Iowa,
Habang humahangos sa daan,
Ay aking pinakikinggan,
Maiingay na halakhak,
Ng mga ibong taratitat,
At sa aking paghingal,
Aking namang nalalanghap,
Ang mabangong halimuyak,
Ng mga bulaklak ng lilac.
Pero miss na miss ko na,
Mag-jogging sa Maynila,
Kung saan naghaharana,
Mga traysikel na umaarangkada,
At aking muling masasanghap,
Usok ng tambutsong kay sarap,
At takbo ko’y lalong bumibilis,
Parang anak ni Hagibis,
Dahil ako’y hinahabol,
Ng mga asong nauulol.
(*Hagibis means speed in Tagalog, it is also a Filipino comics hero, and the name of an all-male pop group.)