Salin-wikang Tula: A Challenge

Posted by

Noong makaraang araw, isang Pilipina blogger, si Jolens (read post here), ang nag-post ng mga banyagang tula na kanyang isinalin sa ating sariling wika. Ika niya, ang pagsasalin-wika ay magandang pagsasanay upang mahasa ang ating husay sa lenguahe.

Siya rin ay nag-alok ng hamon (hindi po ham, challenge ang ibig kong sabihin) sa mga ibang blogger, kasama na po ako dito, na magsalin din daw ng tula sa ating wika. Aking malugod na tinanggap ang hamon na ito.

Akin pong pinili ang isang classic at tanyag na tula sa Ingles. Ito ay isinulat ni William Ernest Henley.

Invictus

Out of the night that covers me,
Black as the pit from pole to pole,
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud.
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the Horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.

It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate,
I am the captain of my soul.

Heto naman po ang aking pagkakasalin sa ating wikang tinubuan, at kahit hindi man salita kada salita, ay pinilit kong mapanatili ang saloobin ng buong tula:

Invictus

Mula sa gabing sumusuklob sa akin,
Pusikit na gaya ng balong napakalalim,
Anumang mga diyos, sila’y aking pinasasalamatan,
Sa kaluluwa kong hindi magagapi kailan man.


Sa pagkakalugmok sa mahigpit na kalagayan,
Hindi ako humikbi o tumangis man,
Sa kabila ng hataw at hagupit ng kapalaran,
Ako’y taas noo pa rin kahit na sugatan.


Sa ibayo ng lupain nitong poot at luha,
Mga anino ng lagim na laging nagbabadya,
At anumang panganib ng mga taon na lumipas,
Bahid ng takot sa aki’y hindi namalas.


Gaano mang kakitid ang aking daraanan,
Hitik man ng parusa ang sa aki’y iniatang,
Ako pa rin ang panginoon ng aking kapalaran,
Sa aking buhay, ako ang Kapitan.

**********

(*Invictus means unconquered in Latin; above photo is of the Colosseum, taken during our visit to Rome)

2 comments

  1. Mayroon akong crazy idea na isalin sa Tagalog ang isang napakalalim na essay ng pilosopia: “the two dogmas of empiricism” ni Willard Van Orman Quine, ang isang sikat na analytical philosopher. Susubukan ko din isalin sa Tagalog ang ilang sikat na tula sa wikang Italyano. Medyo mahilig din ako sa ganitong uri ng challenges (bilang “pampatunaw”), basta may kaunting bakasyon at libreng panahon ako….thanks for sharing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s