Eraserheads

Nuong pumutok ang kasikatan ng grupong Eraserheads ay siya ko namang paglisan sa Pilipinas. Ngunit kahit ako’y wala na sa ating bansa ay pinadadalhan pa rin ako ng aking barkada ng mga bagong album nila . Kaya’t lagi-lagi kong kasama ang Eraserheads pag-ako ay nagda-drive na (“magda-drive ako hanggang buwan…..”), at parang baliw na umaalulong sa pagsabay sa kanilang kanta.  Marahil ay napamahal sa akin ang grupong ito dahil ito ang nanatiling koneksyon ko sa Pilipinas at sa aking barkada, kahit ako’y nangibang bayan na.

Isa sa kanilang kanta, “Pare Ko”, ay parang isinulat para sa akin. Naalala ko ang isang babaeng niligawan ko ng ako’y nasa kolehiyo. “Inlab ako sa isang kolehiyala……kung kelan ka naging siryoso, saka ka niya gagaguhin…….di ba? ‘lang hiya, nagmukha akong tanga; pinaasa niya lang ako, letcheng pag-ibig ‘to”.

Ngunit ang pinakapaborito kong kanta nila ay “Minsan”. Ako ay napapatigil at napapaisip pa rin hanggang ngayon kapag ito’y aking pinakikingan. Bumabalik sa aking alaala ang aking barkada nuong ako’y nasa Pilipinas pa. Naging malapit pa sa mga magkakapatid ang aming samahan, magkakasamang nangarap at gumimik sa buhay.   Pero ngayon, kami’y pinagwatak-watak na ng panahon at tadhana – “Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon, sana’y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan…….dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan“.

Kamusta na kaya ang aking mga kabarkada ngayon? Nalimutan na nga ba ang aming mga pinagsamahan? Huwag naman sana.

One thought on “Eraserheads

  1. Pingback: Zen Driving « Pinoy Transplant In Iowa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s