Suwail sa Pamahiin: Unang Banat

Posted by
pamahiin
Ang ating lahi ay mayaman sa mga pamahiin at mga kasabihan ng matatanda. Kalimitan ito ang humuhubog sa ating paniniwala, tradisyon at kultura. Ngunit marami sa mga pamahiing ito ay walang katotohanan (mawalang galang na lang po sa ating matatanda). At ipagpaumanhin ninyo ang aking kapangahasan sa pagsuway sa mga ito. Ang mga sumusunod ay  ilan sa aking nakalakihan:

1. Kapag kayo’y kumakain, at may nahulog na kutsara, kayo’y magkakabisita ng babae. Kapag tinidor ang nahulog, ang magiging bisita ay lalaki.

Ang katotohanan: kapag lagi kang nakakahulog ng kubyertos, siguro’y pasmado lang ang iyong mga kamay. Kaya mag-kamay ka na lang sa pag-kain para walang bisita. Kapag sandok ang nahulog? Ang magiging bisita ay matakaw na babae!

2. Kung gusto mong umalis kaagad ang mga bisitang hindi kanais-nais sa iyong bahay, patago kang magsabog ng asin sa palibot ng iyong bahay.

Hindi ito epektibo. Mas epektibo kung bubuhusan mo ng asin ang pagkain ng iyong bisita, o mas epektibo pa kung mukha nila ang sasabuyan mo ng asin.

3. Huwag matutulog ng basa ang buhok, at baka ikaw ay mabulag o mabaliw.

Walang scientific at medical na dahilan sa likod nito. Ang masamang mangyayari lang ay mababasa ang iyong unan, at hindi mo malalaman kung nabasa ang iyong unan ng iyong basang buhok o ng iyong tumulong laway.

4. Kapag kumakati ang iyong kamay, ikaw ay magkakapera.

Hindi ito totoo. Kapag nangangati ang iyong kamay, marahil ang iyong kamay ay may eksema o kurikong. Ang mga makakating kamay lang na nagkakapera ay mga mandurukot, pero dahil din dito kaya sila napuputulan ng kamay!

5. Huwag magwawalis ng sahig sa gabi, dahil lalabas ang lahat ng suwerte.

Totoo lamang ito kung ang nakakalat sa inyong sahig ay pera at mga alahas.

6. Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan, o sa araw ng Biyernes Santo, o sa piyesta ni San Lazaro, o sa ika-labingtatlong araw ng buwan, o kapag ikaw ay gutom, o pagkatapos kumain, o kapag ikaw ay pagod, o pagkatapos magsimba, o kapag may bahag-hari, o kapag bilog ang buwan (at iba’t iba pang dahilan).

Hindi rin ito totoo. Dahil kung iyong susundin lahat ng ito, hindi ka na maliligo at lalo kang mamalasin dahil sa sama ng iyong putok!

7. Tumalon kapag sumapit ang Bagong Taon o Pasko ng Pagkabuhay, para ikaw ay tumangkad.

Walang katotohanan ito. Marami akong kilalang tao na talon ng talon kapag hating gabi ng bagong taon, pero pandak pa rin sila hanggang ngayon. Kaya itulog mo na lang at baka sakali pang lumaki ka.

5 comments

  1. Pag hawig po ni husband si baby anu po ibig sabihin ? May ngsasabi po kasi pag hawig dw po ni husband si baby ibig sabihin ka dw po ni husband ?merun nmn po pag hawig dw ni baby si husband si misis nmn dw ung sobrang mahal si mister nalilito Lang Po aq need answer po thanks

    1. Ang anak ay natural maging kahawig ng kaniyang magulang, maging ng ama o ina. Ito ay dahil sa ipinasa nating genes sa kanila. Walang ibig sabihin kung kahawig ng baby ang ama, maliban sa patunay na siya ang ama.

      Kapag kahawig ng baby ang kapit-bahay, iyon ang may problema. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s