Bugtong Kurikong

Posted by

Matagal-tagal na ring panahon nang huli akong makarinig ng mga bugtong. Naalala mo pa ba ang mga ito?

1. Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako. (naka-spikey mohawk si Miss Piggy?)

2. Ako’y may matapat na kaibigan, kasama ko kahit saan (utang?)

3. Sa araw ay bumbong, sa gabi ay dahon. (binilot na marijuana?)

4. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. (supot ba kamo si Mang Jacob?)

5. Hindi hari, hindi pari, suot ay sari-sari. (Drag Queen?)

6. Isang butil ng palay, sakop buong bahay.  (mabahong utot?)

7. Nagtago si Pedro nakalitaw ang ulo. (butas na brief? huh?)

8. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. (unanong may alipin?)

9. Isang magandang dalaga, hindi mabilang ang mata. (dalagang maraming pigsa?)

10. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya’y nakaharap pa. (doblekarang prinsesa?)

11. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. (Vampire na pari? “Vam-pari!”)

12.  Hayan na, hayan na hindi mo pa rin makita. (duling?)

(For the right answers, see comment section)

7 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s