Ang sumusunod na kwento ay hatid ng panahong ito ng mga puso.
************

Isang pinagpalang araw, ay may nagkakilala dito sa dalampasigan,
At sa kanilang paglalakad, sila ay nagkainaman,
Sa saliw ng ugong ng alon, sila’y nagkaulayaw,
Mga puso nila’y masayang pinagtampisaw.

Subalit pagsasama ay panandalian lang pala,
Sila’y pinagtagpo, ngunit hindi itinadhana,
Sanhi ng kapalaran, sila’y pinaglayo ng dagat,
At naiwan na lamang, nagiisang bakas ng yapak.

***********
(*Alay ko po sa lahat ng nagungulila ngayong Valentine’s. Photos taken with an iPhone.)