With Great Distinction

My daughter sat hunch over on a bar stool, and her eyes were glued to her MacBook sitting on top of our kitchen center island. She was watching her university’s President give the ceremonial address on-line. At the end of his speech he conferred to all the graduates, who were watching at their homes, their respective batchelor, master, and doctorate degrees.

It was sad that the commencement ceremony end up in this manner. No marching of the students with their cap and gown on a large auditorium. No roll calls announcing the names as they receive their honor and diploma. No adoring family and friends applauding as their graduate walk up the stage.

The ceremony culminating the hard fought four years of college was a letdown, and I felt sorry for my daughter that her graduation rites came to be this way. Damn this corona virus pandemic!

I certainly know the awful feeling of not being able to march for your graduation, for I myself was denied of that opportunty when I finished my medical school. Though the circumstances in mine was totally different and I have only myself to blame. The memory is still painful up to this day, but that’s a different topic for another day.

However, despite the bittersweet turn of events, there is a momentous achievement that cannot be denied.

Seventeen years ago when our daughter started her formal schooling, we had serious fear. This is a girl who did not speak until she was past the age of four that we even consulted a speech pathologist. When she was about to be a kindergarten, she only speaks in words and sometimes phrases, but not sentences. It’s not that she’s unintelligent, at least that was what we want to believe, she was just different.

We knew that if we enrol her to a conventional school she would be labeled by her teachers, and most likely be bullied by her classmates. But most of all we were worried that she may not develop into the fullest potential that we know she is capable of. That was when we decided to homeschool her. And it was one of the best decisions we ever did.

I commend my wife who did the heavy lifting in homeschooling our kids. I know that there were days that it was a struggle. Yet we pressed on. We were always looking for ways to tap their strengths and fortify their weaknesses, especially in our daughter, hoping to unlock her abilities. But more importantly, we asked for heaven’s guidance in all our undertaking.

Math came easy for her, but language and communication was her Waterloo, and constructing even a 2 or 3 sentence essay was a difficult endeavor. Thus we chose a curriculum that was literature heavy and had them read 20 to 30 short story books or classic novels per school year. One bright thing that happened was when we introduced her to music, it became her language and she found her voice.

We homeschooled her until highschool. Besides the education we had at home we also used tutors to prepare her for college. This included lots of music activities as well. And as she entered college, we were again uncertain of how she would adapt to conventional school. Did we educate her enough? Did we train her enough? Did we equip her enough?

Four years of college had gone by. It went so fast like a blink of an eye. Our daughter did not just survived college, she thrived in it. She got scholarship and maintained it throughout. We were relieved and we felt vindicated.

For any of you my readers, who have a child or know of a child who may be struggling in school, I want you to continue to believe in them. I am convinced that there are no dumb kids. They only have different and individual ways of learning, and we as parents and educators just need to discover their potential. Invest in them, including your time, and if you need to take over their education, then do so.

On this occasion of epic magnitude, our joy is magnified. With magnificent pride and with magnanimous love, we present to the world our 2020 graduate. And she even did it with a Latin honor of Magna Cum Laude.

our graduate

We thank all our family and friends who supported us through this journey, and to God be the glory!

(*She missed Summa Cum Laude by a very slim fraction. But we are not complaining. Magna Cum Laude translates as “with great distinction.”)

Leksiyong Pang-Grade One

May mga bagay na nakaukit na sa ating isipan. Kahit pa may mga ilan na hindi natin matandaan, gaya kung saan natin inilapag ang susi ng bahay, o kaya ang birthday ng ating biyenan, pero may mga bagay na hindi natin makalimutan. Tulad ng aking mga karanasan at mga leksiyon noong ako’y Grade One.

school_supplies_t715

Ako ay nag-Grade One sa isang maliit na pribadong paaralan sa Quezon City. Hindi kalakihan ang klase at mag-kasama pa nga ang mga estudyanteng Grade 1 at Grade 2 sa iisang classroom.

Hindi ko makalimutan ang ilan sa aking kaklase. Si Rolando, na kukurap-kurap, na para siyang laging kumikindat. Noong tumanda na lang ako, kesa ko nalaman na isa palang medical condition iyon – facial tic disorder. Nandiyan din si Nathan, na mestisuhin. Hindi sa ako’y naiingit na maputi siya, dahil masaya ako sa kulay kong “Italyano” – Itang Ilokano. At si Ronald na aking seatmate. Seatmate din namin ang nanay niya, dahil nakaupo ito sa likuran namin sa boong isang taon ng klase.

Maghapon ang aming klase kaya may bitbit akong baon. Inilalagay ang aming mga lunch box sa isang tabi ng classroom. Isang araw, isang Grade 2 na estudyante ang kumuha at kumain ng aking baon. Iniabot daw ng isa niyang kaklase ang aking lunch box dahil sa akalang ito’y sa kanya. Ang mokong naman kahit alam na hindi ito sa kanya, ay kinain pa rin ang aking baon!

Kaya’t unang aral ko sa Grade One ay ito:

1. Magpakatatag, kahit ang buhay kung minsan ay hindi patas. May mga bagay na nararapat na para sa iyo, ay aagawin pa ng iba. 

Hindi ko na matandaan kung ano ang aking kinain nung tanghaling iyon. Pero aking ipinaalam sa aking guro ang nangyari. Nakatagal naman ako hanggang hapon at hanggang sa mag-uwian na. At bumalik pa kinabukasan sa klase.

Naaalala ko rin noon na matapos ang aming lunch break, kami ay laging may siesta. Papatayin ang ilaw, at kami ay hihiga sa sahig o kaya ay sa desk para kami ay magpahinga. Medyo sapilitan ang pagpapatulog sa amin. May mga class monitor pa, sila iyong mga kaklase namin na in-charge daw, at sinusumbong nila sa aming teacher kung sinong ayaw matulog. Isa ako sa ayaw matulog.

Kung ako lang ang masusunod, maglalaro ako sa labas at magtatatakbo sa initan ng katanghaling tapat, hanggang sa tumagaktak ang aking pawis. Bakit pa kasi kailangan ng nap time?

Pero ngayong tayo’y tumanda na, kahit pa ibawas sa ating working hours ay payag tayo, magkaroon lamang ng ilang saglit na pahinga o siesta. Dahil sa sobrang abala at pagod natin, inaasam-asam natin kahit konting nap time o kaya’y free time para sa ating sarili.

Kaya’t ang pangalawang leksiyon ko sa Grade One ay ito:

2. May mga bagay na hindi mo gusto at parang walang kabuluhan ngayon, ngunit sa pagdaan ng panahon ay hahanap-hanapin mo.  Matutong pahalagahan ang mga ito.

Nakakatuwa lang isipin na ang batang galit sa tulog noon ay isang duktor na espesyalista sa pagtulog ngayon.

May panahon namang binibigay para kami ay maglaro. Ang mga gusto kong laro noon ay sipa, jolens, trumpo, teks, shato, patintero, habulan, prisoner’s base, at taguan. Kahit nga piko at jackstone ay nilalaro ko kalaban ang mga babae kong kaeskwela.

Hindi lang naman kaming mga Grade One ang naglalaro. Kahit ‘yung malalaking bata ay naglalaro din. Dahil medyo maliit ang school ground ng aming paaralan kaya minsan walang masyadong space para maglaro.

Isang hapon, may mga Grade Six na mga estudyante ang nagta-tumbling tumbling at nagsa-sommersault sa playground. Dahil haharang-harang ako, o dahil kasi maliit ako kaya’t wala silang pakundangan, nasipa ako ng isang lalaki habang ito ay nagta-tumbling. Tumilapon akong parang lata ng tumbang preso!

Kahit ako’y nasaktan, hindi naman ako makapalag. Nang ako’y mahimasmasan at lumingon sa batang nakasipa sa akin, nakita ko itong namimilipit na rin sa sakit. Ito ay dahil sa isang estudyanteng Grade Six ang humangos upang ako’y ipagtanggol at inumbag niya sa sikmura ang batang lalaki. Ang mabilis na sumaklolo sa akin ay ang aking ate. Oo, ipinagtanggol ako ng isang babae.

Kaya’t isa sa aral ko mula Grade One ay ito:

3. Mahalin natin ang ating pamilya. Sila ang  magtatanggol at tutulong sa atin sa oras ng pangangailangan.

Oo nga’t batid ko na hindi perpekto ang bawa’t pamilya. Ngunit darating ang panahon na walang iba kung hindi pamilya pa rin natin ang magsasalba sa atin. Ika nga nila, “Blood is thicker than water.”

Sa katunayan madalas akong tumilapon noon. Kaya kong tumilapong mag-isa. Bata pa kasi ako ay dare-devil na ako. Mahilig akong umakyat kung saan-saan at tumalon na parang Spiderman. Wala nga akong kadala-dala, kahit pumutok na ang noo ko noong ako’y tumalon sa hagdan, tapos pumutok din ang nguso ko nang ako’y lumipad sa swing. Eto ay bago pa ako mag-Grade One.

Isang araw nang ako’y nasa paaralan, tumatakbo ako sa loob ng banyo. Kahit banyo ginagawa kong playground noong ako’y Grade One. Dahil basa ang sahig, bigla akong nadulas at nakanto ang aking mukha sa pader. Pumutok na naman ang mukha ko at muntik na sa may kaliwang mata. Hindi ko nga alam kung bakit mukha ko ang lagi kong ipinangsasalo ng disgrasya.

Dinala nila ako sa aking teacher upang asikasuhin ang aking sugat. Duguan na naman ang dating ako. Ano kaya ang nasa-isip ng aking guro? Siguro sa isip-isip niya, may mararating ang batang ire kung hindi lang mababalda sa kalikutan, o kaya’y may potensiyal ang batang ire kung hindi lang mababasag ang bungo.

Matapos mapatigil ang pagdudugo, ay pinahiran ng aking teacher ang aking sugat ng mercurochrome. Ito ‘yung pulang likido na mahapdi kapag ipinapahid sa sugat. Sa aking isip noon, masakit na nga ang sugat, bakit kailangan pa itong lalong pahapdiin. Hindi ko pa maintindihan na ito ay anti-septic at kailangan para hindi ma-infection upang maghilom ang aking sugat.

Kaya isa pa sa aking leksiyong natutunan noong Grade One ay ito:

4. May mga karanasan sa buhay na mahapdi, pero kinakailangan para sa ating ikabubuti. Dahil sa mga sugat, tayo’y natututo.

Iyon na rin ang huling peklat sa mukha ko.

Kung tutuusin marami talaga tayong natutunan noong Grade One. Tulad ng pagbabasa, pagsusulat, pagbilang, pagtula at pagkanta. Oo nga’t parang payak lang ang ating alam noon pero ang karunungan ay isang proseso.

Mayroon akong isang kalaro na bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging Engineer. Kwento ng nanay niya sa nanay ko, umuwi raw na umiiyak ang aking kalaro noong unang araw niya sa Grade One. Ang dahilan? Dahil hindi raw pang-Engineering ang tinuturo sa Grade One.

Isang araw, kami ay tinuraang bumasa ng oras ng aming guro sa Grade One. Ipinaliwanag niya na may dalawang kamay ang orasan – ang hour hand at minute hand. Para lalo naming maintindihan, tumawag siya ng dalawang estudyante sa harap para magrepresenta sa mga kamay ng orasan. Si Ronald, ang aking seatmate ang minute hand, at ako ang hour hand. Sinabi niya kay Ronald na lumakad nang mabilis, at habang ako nama’y lumakad nang mabagal.

Dahil gusto ko ring lumakad ng mabilis at makipag-unahan kay Ronald, kaya’t ako’y inakbayan at ginabayan ng aking guro na magdahan-dahan. Sa tingin ko hindi lang pagbasa ng oras ang natutunan ko noong araw na iyon.

Isa pa sa aking natutunan noong ako’y Grade One ay ito:

5. Huwag natin laging madaliin ang buhay.  Kahit mabagal, basta may katiyakan ang ating pakay ay makakarating din tayo sa paroroonan.

Nakaalpas naman ako ng Grade One. Pero ako’y inilipat na sa ibang paaralan nang ako’y mag-Grade Two.

Ano na nga ang nangyari sa aking kalaro na umuwi ng bahay dahil hindi raw pang-Engineering ang tinuturo sa Grade One? Nagtuloy din naman siya ng pag-aaral at nakatapos. Siya ay nangibang-bayan din. Ngayon, siya ay isa nang ganap at matagumpay na Engineer Registered Nurse.

(*photo from the web)

Kwentong Kindergaten

Noong makalawang araw, habang ako’y nagbibiyahe patungong trabaho, ay aking napakinggan sa radyo ang isang report tungkol sa mga leksiyon ng buhay na natutunan natin sa Kindergarten. Isa na rito ang simpleng pagpasok at magpakita sa eskwela. Ano nga naman ang matututunan kung lagi kang absent?

Bigla tuloy akong napabalik-tanaw sa makulay kong mundo noong ako’y isa pang kindergarten.

Ako ay nag-aral sa isang munting Kindergarten school sa Sta. Mesa na patakbo ng NFWC. Dalawang kalye lang ito mula sa amin. Ang aming klase ay sa isang garahe ng bahay na ginawang classroom. Maaring hindi ito kasing tanyag ng Montessori, pero maganda rin naman ang turo dito.

Naalala ko minsan, matapos ang sunod-sunod na ulan, pinasok ng baha ang aming classroom. Kaya mga ilang araw kaming sa simbahan ng parokya nag-klase. Nabulabog kaya ang mga Santo sa aming ingay?

Natatandaan ko pa ang aming guro, si Ms. Genova. May nunal siya sa noo, na parang “red dot” sa noo ng mga bumbay. Siya ay mabait at bihirang magalit kahit kami ay makulit, at hindi siya kagaya ni Miss Tapia sa “Iskul Bukol.”

Tanda ko rin ang ilan sa naging kaklase ko. Si Yaren, na taga kabilang kalye. Siya ay naging matalik kong kaibigan. Si Big Boy na makuwento. Pero hindi ko alam kung bakit iyon ang palayaw niya, dahil patpatin naman siya. May kaeskwela rin kaming kambal na nakatira sa likod bahay namin. Alam ko kung anong inalmusal nila, hindi sa dahil amoy ulam sila, kundi kadikit ng bahay namin ang bahay nila kambal, kaya amoy namin pati niluluto nila.

Sabik din ako sa mga gamit ko sa paaralan noon. Tulad ng krayola, kahit walo lang ang laman ng aking kahon ay masaya na ako dito. Iba sa aking kaklase ay hale-halera ang laman ng kahon ng kanilang krayola. OK lang naman dahil hanggang red lang ang alam ko noon at hindi ko pa maintindihan ang fuchsia.

Gusto ko rin yung pambura dahil amoy kendi. Kulang na lang ay nguyain ko ito na parang Bazooka bubblegum. Nandiyan din ang lapis. Iyong ibang kaklase ko, magagara at may borloloy pa ang lapis. Iyong sa akin, ay simpleng Mongol lang: yung may nakasulat na eberhard faber, tapos number 2.

Maiba ako, alam mo ba ang ibig sabihin ng eberhard faber at number 2?

Si Eberhard Faber ay isang German na nagtayo ng kauna-unahang lead pencil factory noong 1861 sa New York. Kaya nakapaskil ang pangalan niya sa lahat ng lapis na gawa ng kumpaniya niya. Iyong number 2 naman ay grado kung gaano katigas ang graphite core ng lapis. O ayan, may natutunan ka sa akin na hindi mo alam noong Kindergarten ka pa.

Marami rin masasayang karanasan sa Kindergarten. Natutong magbasa: a-e-i-o-u, ba-be-bi-bo-bu, Bobby is bobo. Ano kamo?

Natuto ring sumulat, mag-drawing, mag-kulay, at kumanta. Isa sa natutunan kong kanta:

“Pusa ko’y may nahuling daga, mukha niya’y nakakaawa,

Meow, meow, meow, ang sabi ni Muning, di na kita patatawarin.”

Ang maging walang-awa ba sa daga ang itinuturo ng kantang ito?

Paborito ko rin ang recess noon, dahil nakakapaglaro kami. Dito ko natutunan ang larong Dr. Quack-Quack. Kahit muntik magkapilay-pilay kami sa pagkakabuhol-buhol sa larong ito ay maaring natututo rin namang mag-isip at mag-solve ng problema. Pero maniwala ka, hindi si Dr. Quack-Quack ang naging inspiration kaya ako nag-duktor.

Gumanap din ako bilang Joseph sa aming dula noong Pasko. May pintang balbas ang aking mukha, tapos may dala-dala akong tungkod na mahaba. Pero mas gusto ko iyong role ng aking kaibigan bilang wiseman, dahil mas magarbo ang kanilang costume tapos may bitbit pa silang regalo. Bakit ba hindi ako naging artista, eh itsurang artistahin naman ako? Walang kokontra!

slide.001

Christmas program, circa 1973

Sa Kindergarten rin ako natutong tumula. Sa katunayan ako’y tumala noong graduation program namin. Makaraan ang apatnapung taon, saulado ko pa ang aking tinula. Tungkol ito sa ibon na nakakulong. Ito ang dulo ng tula:

“Bagong pinta ang kulungan, may pagkain araw-araw,

Ngunit ibon di man lamang, umawit kahit minsan.

Ibon ay aking pinalaya, umawit ng tuwang-tuwa,

Tao’t ibon pala kapwa, maligaya kapag malaya.”

Tunay naman na kahit nasa Kinder pa lang kami ay ipinamulat na sa amin ang kahalagahan ng kalayaan.

Pero meron ding masasaklap akong karanasan noon. Tulad nang ako’y tumambog sa kanal galing sa paaralan at napuno ng burak ang aking buong braso. Pingot ang inabot ko sa nanay ko. Nasa Kindergarten din ako nang ako’y nabalian ng braso. Nakasimento ang aking kanang braso nang halos dalawang buwan. Kaya sa maikling pagkakataon ako’y naging ambidextrous, dahil natuto akong sumulat sa kanan at sa kaliwang kamay.

Tunay na pinahahalagahan ko ang edukasyon, lalo na ang mataas na antas na aking narating. Sang-ayon sa aking magulang, edukasyon lang ang maipapamana nila sa amin. Pero naniniwala ako na maraming mahahalagang bagay sa buhay, ay natutunan ko sa pinaka-mababang grado ng edukasyon – sa Kindergarten. Tulad ng:

Pumila ng maayos (siguro yung mahilig sumingit bagsak noong Kinder).

Makinig sa turo ng guro.

Huwag kunin ang hindi sa iyo, o magpaalam muna sa may-ari bago hiramin ang gamit.

Mag-share.

Huwag makipag-away.

Huwag mangopya.

Maging patas sa paglalaro.

Huwag kainin ang baon ng iba. Huh?

(Oo naranasan ko na may ibang kumain ng baon ko, pero nasa Grade 1 na ako noon.)

Isa pa sa aking naalala ay mabilis maubos ang aking pambura noong nasa Kinder pa ako. Dahil nginangata ko ang eraser. Dahil burara ako. Dahil marami akong mali sa pagsusulat, kaya’t pudpud agad ang aking eraser.

Isa sa mahalagang leksiyon na natutunan ko sa Kindergarten ay ito:

Ang pagkakamali ay bahagi ng buhay. Hindi lahat ng ating sagot o gagawin ay tama. Ang mahalaga ay natututo tayo sa ating karanasan, at ituwid natin ang ating mga pagkakamali.

At kung ika’y nagkamali at ika’y naihi sa salawal noong Kindergarten? Hindi ito katapusan ng mundo.

(*This article is lovingly dedicated to Kindergarten teachers, and all other teachers, who showed us the way. Thank you.)

Lessons From My Father (Tribute to My Late Dad): Part 2

(The original article was published a year ago in Sampaloc Times, a newsletter of my beloved home church where I grew up.)

Value for Education

At a very young age, my father already cultivated in us the importance of a good education. I remember us kids doing multiplication exercises with him while we’re riding home from school. I also remember him tutoring me in my difficult subjects, especially when it involves math. He told us that he may not leave us much material inheritance, but if we get a decent education, this will give us enough to have a chance of changing the course of our lives.

My father did not have a master’s degree or a doctorate degree. He came from a family of farmers, and in fact he was the first one in their clan to finish college. His family did not have the means for a higher education, but my father worked his way through college. He had these stories of working odd jobs so just he can finish college.

Many years later, I learned that it was his dream to become a doctor, but because of the circumstances given him, going to medical school is out of his reach. So he took up Accounting instead and eventually became a CPA, an occupation he performed diligently and with integrity. And his dream of being a doctor? He passed it on to me. Sadly he did not live long enough to witness it into fruition.

He value education that he gave the opportunity to get a decent education, not only to his children but to others outside his family. I later learned that he helped a few other people get through college. I am not sure where these people are today, but I am sure they are grateful to him for the opportunity given them.

And for me? I owe my father the education I got and where it led me. If only he can see me now………….I hope I made him proud.

Alma Mater

Unfailing Faith

I think it is safe to say that my father is a man of faith. He preached it and he lived it. I fondly remember him sponsoring several evangelistic efforts. There was one place that even involve a 7-kilometer hike up a mountain, and another place that can only be reached by crossing a river through wading in the waist-deep water, and another in an inner city slums. And the neat part is he brought as along to these efforts. I witnessed it first hand his burning desire to share the truth he had found.

His faith did not falter even to the bleakest of situations. I remember vividly when he was lying in a hospital bed during the last few months of his life. His doctor just told him that he had a tumor in his brain, and unless he be operated on, he had no chance of living; but even with the surgery, it was no guarantee. To this he said that he was not afraid to die, for his trust is in God.

Here was a man who had fearlessly accepted his mortality and placed his utmost trust to the only One who can give us immortality. My father’s unfailing faith let him see beyond the uncertainty of this life; yes, even when facing death. A few months later, he died. But his faith lives…………in me.

4e5ebc5fca6e7.image

passing the flame

As I lovingly embraced this faith that was passed on to me, I am hoping that I may I also passed it on to my children, and my children’s children.

To all the fathers in this world, Happy Father’s Day!