Ang Aking Bakyang Tsinelas

Noong makalawang araw ay napansin ng aking misis ang aking pambahay na tsinelas. Pudpod at gulagulanit na raw ito. Oo nga naman, mahigit sampung taon ko na ring gamit gamit ito. Naghihingalo at nagmamakaawa na ang aking tsinelas. Humihingi na ito ng kapalit.

Marami akong naging tsinelas mula nang ako’y bata pa. Aaminin ko nagsuot ako ng bakya noong  nasa Pilipinas pa ako. Pero bago ko sabihin kung bakit ako nagsuot ng bakya, ay talakayin muna natin ang tungkol sa tsinelas.

Tayong mga Pilipino ay may magiliw na relasyon sa ating mga tsinelas. Marami tayong klase ng tsinelas na iba’t ibang uri at yari. May goma, abaka, alpombra, balat (leather), kahoy (gaya ng bakya), plastic at iba’t iba pa.

Kung ikaw ay dadalaw sa isang bahay sa Pilipinas, ang unang bubungad sa iyo ay ang mga iba’t ibang kulay ng tsinelas na nagkalat sa may pintuan ng bahay. Kung ikaw ay bisita, kapag hinubad mo ang iyong sapatos pagpasok sa bahay, ay maaring alukin ka rin ng tsinelas na pambahay para iyong isuot.

slippers

photo from jllanderal.wordpress.com

Dahil na rin siguro sa ating maiinit na klima, kaya tsinelas lang ang ating parating gamit. Kung mamamalengke, o mamamasyal, pupunta ng mall o bangko, tsinelas lang ang suot ay sapat na. Marami ngang mga manggagawa ang nakatsinelas lang sa kanilang trabaho. Siyempre pagpupunta sa beach, ay tamang-tama ang tsinelas. Kung hindi naman beach, at sa baha ka lang lulusong, ay okay pa rin ang tsinelas.

Hindi ko sigurado kung sinong unang nag-imbento ng tsinelas. Maraming prueba na kahit noong maagang sibilisasyon ay may gamit ng saplot sa paa ang tao. Ito ay yari sa dahon, o hibla ng halaman, o kaya ay balat ng hayop. Ang ancient Egyptians ay nagsusuot na ng tsinelas na tulad ng modern-day flip-flops mula pa 1500 B.C. Ang mga sundalong Romano naman ay may sandalyas na may tali hanggang binti, na ang tawag ay caliga.

Sa kasaysayan rin ng China ay matagal nang gamit ang tsinelas. Sila rin yung nagpauso na ginagapos ang paa ng mga batang babae para manatiling maliit ang kanilang mga paa. Maganda raw sa panahon na iyon ang maliit ang paa. Yung kapitbahay namin sa Maynila na Instik, ang kanilang lola ay maliliit ang paa, dahil siguro sa pagsusuot ng bakal na tsinelas.

Ang salitang tsinelas ay galing sa salitang Kastila na “chinela” na nangangahulugang slipper or sandal. Panahon pa ng Kastila ay usong-uso na ang tsinelas sa Pilipinas.

Kahit si  Jose Rizal ay may kwento tungkol sa tsinelas. Isang araw nang bata pa raw si Rizal, siya at ang kanyang kuya ay sumakay sa bangka. Habang sila’y nasa bangka, nahulog ang isang tsinelas ni Rizal sa ilog, at ito’y inanod papalayo. Nang malaman niya na hindi na niya ito makukuhang muli, ay itinapon na rin niya ang natitirang pares sa ilog. Paliwanag niya sa kanyang kuya, dahil hindi na niya magagamit kung isang pares lang, subalit baka sakaling may makapulot ng dalawang pares ng kanyang tsinelas, at ito’y mapakinabangan muli. Bayani talagang mag-isip si Rizal.

Dahil sa papularidad ng tsinelas sa ating bansa, may mga bayan na may piyesta ng tsinelas. Sa Liliw Laguna, tuwing Abril ay may “Gat Tayaw Tsinelas Festival,” at sa Gapan Nueva Ecija naman, tuwing Agosto ay mayroon din silang Tsinelas Festival. Sa mga piyestang ito kanilang ipinagbubunyi ang mga lokal na yaring tsinelas, at dito rin makikitang pumaparada ang mga higanteng tsinelas.

9ed95689e383d2cc85db4bee278dc465

Tsinelas Festival, Liliw Laguna (photo from yahstar.com)

Noong ako’y bata pa, kahit nasa loob lang ng bahay ay naka-tsinelas kami, na kadalasan ito ay yari sa alpombra. Taga-Marikina ang ninang ng aking ate, kaya kung Pasko o kapag dumadalaw siya sa amin, lagi itong may regalong tsinelas na yaring Marikina para sa aming magkakapatid.

Noong nasa elementarya kami ay may naging project kami na gumawa ng pambahay na tsinelas. Ito ay yari sa lubid ng abaka na idinikit namin sa cardboard na hugis ng aming paa. Ilang araw ko lang ito nagamit dahil ito’y bumigay kaagad. Hindi kasi pulido ang aking pagkakagawa. Kaya siguro hindi ako naging sapatero.

Paglalabas naman ng bahay, ay rubber na tsinelas ang aking ginagamit. Kahit nagbabasketball ako sa kalsada, ay nakatsinelas lang ako. Napakarami kong tsinelas na napudpod, napigtal, o nasira sa pagbabasketball. Nasubukan mo bang lagyan ng perdible (safety pin) o alambre yung napigtas mong tsinelas? Gawain ko iyon noon.

Isa sa gusto kong tsinelas noon ay Spartan, dahil sa tingin ko ay medyo matibay ito. Sabi nga ng kanilang commercial, “Nasaan ang tibay mo?” Ang ibang mga brand noon ay  Bantex, Beach Walk at Islander. Mayroon ding Rambo na brand, na nauso noong naging sikat ang pelikulang Rambo. Hindi ko lang alam bakit ito ang pangalan, dahil naka-combat boots naman si Rambo at hindi nakatsinelas.

Gamit ko rin ang aking tsinelas sa paglalaro ng tumbang preso. Ito yung laro kung saan pinupukol mo ang lata ng iyong tsinelas. Ilang mga bata kaya ang nawala ang tsinelas sa paglalaro ng tumbang preso? Naglalaro din ako ng sipa (tingga at balot ng kendi) kahit nakatsinelas. Pipihitin ko lang sa may sakong ang aking tsinelas, ay sapak na sapak nang maglaro ng sipa.

Maniwala ka man o hindi, ang aking tsinelas ay akin ding naging sandata. Hindi sumasabog ang aking tsinelas at wala rin itong patalim na gaya ng sapatos ng kalaban ni James Bond. Hindi ko sa kaaway ginagamit ang tsinelas. Ang tisnelas ay sandata ko laban sa mga tinginingining na mga ipis! Aking aapakan o hahambalusin ang mga gumagapang na ipis, o kaya naman ay babalibagin kung sila ay air-borne.

Ang nanay ko naman, gamit din ang tsinelas (see previous post) para pamalo sa amin, kapag kami ay makukulit. Buti na lang nga at tsinelas na pambahay lang ang gamit niya, at hindi yung palu-palo sa paglalaba.

Ang dami talagang silbi ng tsinelas para sa ating mga Pilipino. Pero kung minsan, ang antas ng ating buhay ay hinuhusgahan sa ating suot na tsinelas. Maaring nakatsinelas nga pero Havaianas o kaya’y Birkenstock ang tsinelas. Sosyal! Kaya naman ‘di magkaugaga natin silang pagsilbihan at bigyan pansin. O baka dahil mumurahin lang o kaya nama’y gusgusin at sira-sira ang suot na tsinelas, kaya’t binabalewala lang natin sila, o tingin natin sa kanila ay bakya. Hindi ‘yung sinusuot, kundi bakya na ibig sabihin ay low-class o cheap.

spartan

Sana naman ang pagtingin natin sa tao ay pantay-pantay. Sosyal man ang tsinelas o bakya. May tsinelas man o wala. Sa paningin ng langit, tayong lahat ay pare-parehong nakayapak at walang dapat ipagyabang.

Mabalik tayo sa aking bakya. Oo, gumagamit ako ng bakya noon. Hindi ko ito suot papuntang palengke o kapag lumalabas. Hindi ko rin ito ginamit pangbasketball. Pero kung maapakan ka ng bakya kung nagbababaskeball? Siguradong patay. Patay ang kuko!

Ang gamit kong bakya noon ay sa loob lang ng aming bahay. Sirit na?

Tulad ng mga banyo sa Pilipinas, ang aming banyo’y laging basa ang sahig. Dahil ayaw naming magputik ang sahig, at dahil ayaw ring mabasa ang paa, kaya’t may bakya kami sa banyo, na para sa loob ng banyo lang. Aminado ako, ginagamit ko ang bakyang ito kapag ako’y gumagamit ng banyo.

Akala ninyo si Neneng lang ang nagbabakya?

(*comic strip is from Pugad Baboy)

Debunking Folks’ Medical Advice: Part 4

It’s been a while since I posted regarding folk’s medical advice. However I have noticed in my blog stats that these topics get consistent hits on a daily basis. So here’s another one for the series.

1. Huwag hawakan ang paru-paru, baka ka mabulag.

Don’t touch a butterfly, it can cause blindness.

I was told this advice when I was a child. Perhaps you have heard this too. But it is not true.

Butterflies belong to a family of insects called Lepidoptera, which means scale wings. The “powder” that you get in your fingers, which the old folks say can cause blindness, when you touch the butterfly wings, are tiny scales. These scales though very important to the butterfly, does not cause blindness.

If so much of these tiny scales are removed from the butterfly wings, just like when you heavily rub them off, will form holes in their wings and they will lose their ability to fly.

So you can hurt them, but they don’t hurt you. Perhaps the old and wiser folks just don’t want us kids to hold the butterfly so not to injure them.

The only “butterflies” I know that can cause blindness are the ones dancing in beer gardens, especially under the dazzling flickering lights and after rounds of beer.

00015v

2. Huwag kumain ng maanghang na pagkain, baka ka magkaalmuranas.

Don’t eat spicy food, for you will develop hemorrhoids.

Filipino foods are not particularly spicy. Except for the Bicol region perhaps. Unlike other cultures, like Indian or Indonesian cuisines, even their baby food can make a grown man sweat.

I heard many times before though, that spicy foods can cause bothersome hemorrhoids. If this is true, then all true blue Bicolanos will be suffering from this, and Bicolandia will be the center of hemorrhoids country. But that’s not the case.

I think this advice associate the fiery sensation in our lips and tongue will somehow cause also a fiery sensation in our bottom. Simply, not true.

There are several scientific and medical studies that have looked into this perceived relationship, and no study have conclusively proven this.

In one particular study done by Italian researchers, they have 50 patients with severe symptomatic hemorrhoids randomly take a capsule containing red-hot chili powder or a placebo pill, and then they crossover after a week. The results showed no statistically significant worsening in their symptoms. So they concluded that red-hot chili pepper does not worsen hemorrhoids.

So go ahead, enjoy your jalapeños and your siling labuyo. It will zing your mouth, not your bottom.

3. Huwag pagalaw ang kanser, ito ay lalo lang kakalat.

Don’t disturb the cancer, it will spread.

Meaning, don’t have a tumor biopsied or do surgery on it, for it will get worse. Bawal mahanginan, baka magalit (Don’t expose it to air, it will grow angrier).

This notion is deeply seated in the people’s mind. But there’s no medical truth on this.

Perhaps we Filipinos get this conception, when in Jose Rizal’s 19th century novel Noli Me Tangere (Touch Me Not – in Latin), he addressed the ills of the society as “social cancer.” Don’t dare touch it, for the situation just gets worse.

th

(image taken from the net)

With 21st century’s scientific knowledge and technology, the fact of the matter is doing biopsy on a tumor is the only way we can ascertain that it is cancer or not. And there are several kinds of cancer, that the preferred treatment is surgical excision. And sometimes if it is too big to take it all out, debulking the tumor can help. Only if the cancer is far too advanced that any form of treatment may be futile.

I’m sure if you have cancer, and Jose Rizal who is a physician himself, is alive today, he will advise you, Ego Tangeret (I touch you).

4. Huwag matulog ng sobrang busog, baka ikaw ay mabangungut.

Don’t sleep when you’re so full, you’ll have nightmares.

There’s currently a lot of medical evidences that eating a full meal so close to bedtime may disrupt your sleep. Digestion can increase your metabolic rate and body temperature, as well as release of certain hormones, that can throw off the internal stimulus of inducing sleep. Thus many medical experts advice that your dinner be two hours or more, before your bedtime. Though it is still uncertain whether sleeping on a full stomach can directly cause nightmares.

The more enigmatic topic though is bangungut as a specific entity that cause sudden death at night. It is not an urban legend but rather a real medical condition also known as Sudden Unexplained Nocturnal Death Syndrome (SUNDS).

SUNDS has been reported worldwide, though it is more common among Southeast Asian males. It is termed bangungut in Philippines, lai tai in Thailand, and pokkuri in Japan.

In recent years SUNDS is thought to be related to Brugada syndrome, a genetic disorder wherein there’s inherent faulty electrical conduction in the heart that can lead to fatal cardiac arrhythmia. This usually occurs when they are sleeping or resting, in these apparently healthy young males. It has been suggested that a high carbohydrate meal may precipitate sudden cardiac death in these predisposed individuals, as the release of insulin drive their potassium down causing the arrhythmia.

So I would say there is some wisdom to this old folks’ advice. And you thought they were all non-sense?

But then again you probably thought as well, that bangungut was caused by a kiss of an evil spirit.

th

kiss of death statue (image taken from the net)

 

Mga Salaysaying Pilipino

Noong nakaraang isang araw ay humiling sa akin ng mga kuwento ang aking mga anak. Sinalaysay ko sa kanila ang kuwento ni Juan Tamad at ang bayabas. Inistorya ko rin sa kanila ang pabula ng “Matsing at Pagong” na isinulat ni Jose Rizal. Akala ninyo ba ay mga seryosong nobela lang, gaya ng “Noli Me Tangere” o “El Filibusterismo,” ang linikha ni Rizal?

Nang humingi pa sila ng mga dagdag na kuwento, ay inilahad ko rin ang mga istorya na sinalaysay sa akin ng aking tatay at nanay. Isa sa aking paborito ay isang kuwento ng aking tatay. Hindi ko alam kung saan galing ang orihinal na kuwento nito, pero ito ang bersiyon na natatandaan ko………

Isang araw, isang lalaking maganda ang bihis na galing Maynila, ang napasyal sa isang malayong probinsiya. Siya ay sumakay sa isang maliit na bangka upang tumawid sa umaagos na ilog, upang makarating sa barrio na nasa kabilang ibayo.

Habang tumatawid ang bangka, ay kinausap ng mama ang bangkero na medyo may katandaan na. “Amang, natuto ka ba ng matematika, tulad ng Algebra at Calculus?” tanong ng mama.

“Eh hanggang Grade 1 lang po ang inabot ko,” ang mapakumbabang pahayag ng bangkero.

“Ah, nawalan ka ng sang-apat (1/4) ng iyong buhay,” ang mapagmalaking sagot ng lalaki.

“Amang, natutunan mo ba ang Mga Kasaysayan ng Mundo (World History)?” ang muling tanong ng mama.

“Eh mga kuwento lang po ng aking mga ninuno ang aking alam,” ang muling sagot ng matanda.

“Ah, sang-apat muli ang nawala sa iyong buhay,” ika ng mayabang na mama.

Habang nagpapalaot na ang bangka sa ilog ay muling nagtanong ang lalaki, “Amang, natuto ka ba ng siyensiya, tulad ng Biology at Chemistry?”

“Ay hindi po, mga turo lang po ng aking tatay at nanay ang aking natutunan,” ang tugon ng bangkero, habang pilit nitong maneobrahin ang bangka laban sa malakas na agos ng ilog.

“Kawawa ka naman amang, sang-apat na naman ulit ang nawala sa iyong buhay,” ang sabi ng hambog na lalaki.

Nang nasa kalagitnaan na sila ng ilog, ay biglang humagupit ang malalakas na alon sa maliit na bangka, at ito’y pagkarakarakang tumaob. Tumambog sa tubig ang lalaki at ang bangkero, at sila’y napahiwalay na tinangay ng marahas na agos.

“Amang, natuto ka bang lumangoy ?” ang sigaw ng bangkero sa lalaki, habang sila ay inaanod at hinahampas ng mabilis na agos ng ilog.

“Hindi….. hindi po!”, ang naghihikahos na sagot ng lalaki, habang ito ay lumulubog na sa tubig.

“Buong buhay mo ang mawawala,” ang malagim na pahayag ng bangkero, habang ito’y lumangoy na papalayo patungong pampang.

Ano ang moral ng istorya? Huwag sumakay sa bangka kung Calculus at Chemistry lang ang alam mo. Parang hindi yata tama?

Luneta, Cradle of my Childhood

(The following article was published in Manila Standard Today, June 6, 2011. This is an English version of my earlier post, “Alaala ng Luneta.”)

I read a few weeks ago from a blogger that Rizal Park, better known to me as Luneta, is being renovated and updated. This is in time for the celebration of Jose Rizal’s 150th birthday. (Rizal is old indeed, but his relevance never fades.) Included in the project is building a boardwalk in the relief map, and re-opening of the dancing fountain. It is good that this park received some face lift, as it has been left in the dark ages for some time.

The blogger also posted some pictures of Rizal Park, then and now. Suddenly a flood of memories of this place came upon me.

Luneta was not just a national park that my family frequented. This place has a deeper meaning for me. I know it is the death place of our national hero, but it is also the fount of our living.

My father was a certified public accountant and he became an employee of the National Parks Development Committee. This agency was in charge of running the affairs of the park. Its office was right at the heart of Luneta, near the Tourism building. Here, my father served as an accountant for about 20 years, later becoming its chief accountant. His work there provided for our shelter, put food on our table, and sent us to school.

Countless times did we go there, not just to visit our dad, but also to jaunt in the park. I knew Luneta even when I was very young and barely speaking. My mother told me that when I see the park’s landmarks, I will scream: “Uneta na, Uneta na! I spent many hours in its playground – running, swinging, see-sawing, sliding, and climbing the big shoe, the big hippo, and other playground structures. Even when I was in high school, I still visited the playground. No, not to ride on the swing but on bump cars, and to play space invaders in its arcade.

We also spent numerous times in the breakwater at the back of Quirino Grandstand. Here we inhaled fresh sea breeze (or fresh ship fumes?), and played while eating Magnolia drumstick or pinipig crunch. There were also many instances that we stayed until dusk to witness the magnificent Manila Bay sunset.

It was also in one of the swings near the grandstand where I attempted to fly. While my father was pushing me in the swing, I abruptly released my grip and jumped. Yes, I momentarily floated in the air, but also rapidly plunged back to the ground face first. My heart had burst in sadness as my flight was unsuccessful. My lips also had burst open and I had to be rushed to a nearby clinic to have my wound sutured. So you think Rizal was the only one who shed blood in Bagumbayan?

We also passed long hours idling in the lagoon of the dancing fountain, Japanese garden, and Chinese garden. I remember my father would take me at dawn on weekends when I was young, and we would jog around the park. We also saw people practicing tai-chi and eskrima, but we did not join them. And even though I almost passed out from exhaustion, those where one of my sweetest memories.

My sisters and I also skated several times in the skating rink at the water globe there. There were lots of skillful skaters in that rink (I wasn’t one of them). Many times, I stumbled and fell in that place. I scraped my knees – also my pride and dignity.

Of course, we also visited Rizal’s monument a hundred times. It was fascinating to watch the soldiers march around, especially during the changing of the guards. At one time, during my high school days, we stood and paraded in front of that monument in our fatigue uniform as CAT (Citizens’ Army Training) cadets, honored and pledged respect to Rizal. It was also under the shadow of Rizal’s statue that my parents taught me about patriotism and heroism. Rizal became my favorite hero.

After my father’s early death, our visit to Rizal Park had become rare. A few months after his passing, I was still in college then, my mother, due to loneliness, asked me to take her at the breakwater at the back of grandstand. There, we both gazed longingly far into the ocean. But we only caught glimpses of troubled waves and cloudy skies, for we could not view what our future would be.

More years passed. After I finished my studies, I went back there with my then-girlfriend (now my wife). As Rico Puno put it: “namamasyal pa sa Luneta, na walang pera.” Here, while we watched the sinking sun and the floating trash of Manila Bay, we let our dreams sailed into the west across the ocean, where the sun elopes and the light hides.

In 2008, after many years of living in the west, I went back to the land of my birth. One place that I re-visited was Rizal Park. With my wife, children, mother and sisters, we again toured the place that we loved.

We went to the newly opened Manila Ocean Park at the back of the grandstand. Truly, it was beautiful and can be compared to other nation’s top aquariums. My kids and I also rode a kalesa and went around Luneta, which made them happy. I made the kutsero happy too after I handed him our fare.

The water globe and skating rink were gone, the map was in bad shape, and the fountain was not dancing anymore. It seemed that only the carabao and Rizal had not changed.

I reverently approached my hero’s monument. Even though he had no more sentries, he still remained there standing, watching the world around him. I again humbly paid him my respect, and penitently whispered the reason I left him.

Alaala ng Luneta

Noong nakaraang araw ay aking nabasa mula sa isang blogger, na pinagaganda ang Rizal Park, o mas kilalang Luneta sa akin. Ito’y para sa selebrasyon ng ika-150 kaarawan ni Gat Jose Rizal sa darating na Hunyo, 2011. (Totoong matanda na si Rizal, subali’t ang kanyang mga pananaw ay naaangkop pa rin sa panahon.)

Kasama sa mga proyekto ay ang pag-lalagay ng boardwalk sa malaking mapa ng Pilipinas na naroon, at pag-bubukas muli ng mas pinabuting dancing fountain. Salamat naman, sapagka’t matagal-tagal na rin nakatiwangwang at napag-iwanan na ng pag-unlad ang Luneta.

Ipinakita rin ng blogger na ito ang mga larawan ng Rizal Park, noon at ngayon. Biglang bumaha sa aking isipan ang mga ala-ala ko sa lugar na ito………

dancing fountain at Rizal Park, circa 1970’s

(image from here)

Ang Luneta ay hindi lamang isang pambansang likasan na madalas naming pasyalan noon. May mas malalim pa itong kahulugan para sa akin. Oo nga’t dito nagbuwis at nawalan ng buhay ang ating mahal na bayani, ngunit dito rin nagmula ang aming ikinabuhay.

Ang aking ama ay CPA at siya ay  naging empleyado ng National Parks Development Committee (NPDC). Ang NPDC ang namamahala sa pagpapatakbo ng Rizal Park, at ang kanilang opisina ay naroon mismo sa Luneta, sa tabi ng Tourism building. Dito siya naglingkod ng mahigit dalawampung taon bilang chief accountant, at nang malaon ay chief financial officer, hanggang sa kanyang biglaang pagpanaw. Ang trabaho ng aking ama sa Rizal Park ang nagpakain, nagpalaki, at nagpa-aral sa amin.

Madalas kaming lumalagi sa Luneta para dalawin ang aking tatay at para na rin mamasyal. Bago pa lamang ako magsalita ay kilala ko na ang Luneta. Sabi ng aking nanay, kapag nakikita ko na ang mga landmarks nito ay sisigaw na ako ng “Uneta na, Uneta na!” (Luneta, at hindi puneta ang aking sinisigaw.) Maraming oras din ang aking iginugol sa playground doon – tumatakbo, nagswi-swing, nag-papadulas sa mataas na slides, at umaakyat sa malaking sapatos, sa malaking hippopotamus at kung saan-saan pa. Kahit noong high school na ako ay pumupunta pa rin ako dito, hindi para mag-seesaw o mag-swing, kundi para sumakay sa bumpcars at maglaro ng space invaders sa kanilang arcade.

Malimit din kaming namamasyal sa may breakwater sa likod ng Quirino Grandstand. Dito kami lumalanghap ng sariwang hangin ng Manila Bay (o sariwang usok ng mga bapor?) at naglalaro doon habang kumakain ng Magnolia popsicles o pinipig crunch. Maraming beses din kaming inaabutan ng takipsilim doon, upang saksihan ang kahanga-hangang Manila Bay sunset.

Doon din sa isang swing malapit sa grandstand kung saan ko tinangkang lumipad. Habang tinutulak ako sa swing ng aking tatay, ay bigla akong bumitaw at tumalon mula sa duyan. Oo nga at panandalian akong pumailanglang, ngunit mabilis din akong lumagapak sa lupa at sumubsob ang mukha. Nabiyak ang aking puso sa lungkot dahil hindi naging tagumpay ang aking paglipad. Nabiyak din ang aking nguso, at ako’y itinakbo sa clinic doon sa Rizal Park para tahiin ang aking nakangangang sugat. Kaya dumanak din ang aking dugo doon sa Bagumbayan – gapatak nga lang at hindi tulad ng ating bayani.

Madalas din kaming tumambay sa dancing fountain, sa Japanese garden, sa Chinese garden, sa open air amphitheater at nakinig sa libreng “Concert at the Park”. Naalala ko nang ako’y maliit pa, ay sinasama ako ng aking tatay ng madaling araw upang mag-jogging sa palibot-libot doon sa park, bago pa sumikat ang araw. Nakikita ko rin ang mga nagta-tai-chi at nag-e-eskrima doon, pero hindi kami nakisali sa kanila. Kahit pa hapong-hapo at halos tumirik ang aking mata sa pagod, ay isa ito sa masasayang alaala ko.

Mga ilang beses din kaming nag-skating ng aking mga kapatid sa skating rink na nasa water globe doon sa Rizal Park. Maraming mahuhusay na skaters doon (hindi ako kasama dun). Maraming beses din akong nabuwal at sumemplang sa lugar na iyon, kung saan hindi lang tuhod ang nagasgas, kundi ang aking yabang at dangal.

Rizal Monument, circa 1980’s

(image from here)

At siyempre pa, madalas din naming binibista ang monumento ni Rizal, na naging paboritong kong bayani. Nakakaaliw na saksihan ang pagmamarcha ng mga sundalong bantay, lalo na pag-nagpapalit na ng guwardiya. Minsan, noong ako’y nasa high school, ay tumayo at pumarada kami sa harap ng rebulto ni Rizal, habang naka-fatigue uniform bilang CAT (Citizen Army Training), upang magbigay galang. Dito rin sa harap ng monumentong ito, kung saan ipinamulat sa akin ng aking mga magulang ang kagitingan ng ating pambansang bayani.

Noong kami’y nag-aaral  pa (sa Pasay ako nag-elementarya at highschool), ay halos araw-araw kaming nasa Rizal Park. Dinadaanan namin ang aming tatay sa kaniyang opisina, at sabay-sabay na kaming uuwi sa aming bahay sa Sampaloc, mula roon. Ngunit nang namatay na aking ama ay naging madalang na ang aming pagpunta sa Luneta.

Mga ilang buwan pagkamatay ng aking ama, ako’y nasa unang taon ng medical school noon, nang sa aming kalungkutan ay humiling ang aking ina na dalhin ko siya sa breakwater sa likod ng Grandstand sa Luneta. Doon kami ay tumanaw ng malayo sa malawak na dagat. Ngunit mga ligalig na alon at makulimlim na langit lang ang aming nakita, dahil hindi namin matanaw kung ano ang bukas na naghihintay sa amin.

Dumaan pa ang mga taon, nang ako ay makatapos na, pumasyal muli ako sa Rizal Park kasama ng aking girlfriend (na ngayon ay misis ko na). Ika nga ni Rico J. Puno: “namamasyal pa sa Luneta, na walang pera.” Dito, isang dapit-hapon kami ay nangarap, habang nakatunghay sa lumulubog na araw, at sa mga lumulutang na basura ng Manila Bay. Pinaglayag namin ang aming mga panaginip sa buhay, patungo sa kabilang ibayo ng dagat, kung saan nagtatanan at nagtatago ang liwanag.

*******

Noong 2008, pagkalipas ng mahabang panahon at paninirahan sa kanluran, ay muli akong nakabalik sa lupang sinilangan. Isa sa lugar na aking muling dinalaw ay ang Rizal Park. Kasama ng aking asawa at mga anak, pati ng aking nanay at mga kapatid, ay muli kaming nagliwaliw sa lugar na napamahal sa amin.

Pinasok namin ang bagong tayong Manila Ocean Park doon sa likod ng Quirino grandstand. Tunay naman na maganda at hindi pahuhuli ang aquarium na ito sa mga aquarium sa ibang bansa. Sumakay din kami sa kalesa ng aking mga anak upang libutin ang Luneta, na talaga namang ikinasiya nila. Naging masaya rin ‘yung kutsero, matapos kung iabot ang aming bayad.

Wala na pala ‘yung water globe at skating rink, kundi ay rebulto na ni Lapu-lapu ang nakatirik doon. Wala na rin ang malaking relo na halaman (Rado flower clock). Tuyo at sira-sira na ang malaking mapa ng Pilipinas. Hindi na sumasayaw ang dancing fountain. Ang kalabaw at si Rizal na lang yata ang hindi nagbabago at hindi umaalis sa Luneta.

(photo from internet)

Mataimtim kong linapitan ang monumento ng aking bayani. Kahit wala nang mga sundalong nagbabantay dito, ay nanatili pa rin itong nakatindig, nagmamasid sa mundong paligid. Muli akong nagbigay galang…….. at mapakumbabang ibinulong sa kanya, kung bakit ko siya nilisan.

(*An English version of this article was published in Manila Standard Today)